|
||||||||
|
||
"Kung walang masaganang sistemang ekolohikal, walang mayamang sibilisasyon."
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang video speech sa United Nations Summit on Biodiversity, na ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Diin ng pangulong Tsino, dapat isabalikat ng lahat ng mga bansa ang responsibilidad para sa sibilisasyon ng sangkatauhan.
Para rito, saad ni Xi, "kailangan nating igalang ang kalikasan, sundin ang mga batas nito at arugain ito."
"Kailangan din nating hanapin ang landas tungo sa maharmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan, at pagsamahin ang pagpapasulong ng pag-unlad ng ekonomiya at pangangalaga sa ekolohiya, upang sama-samang maitayo ang masagana, malinis at magandang mundo, " dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |