|
||||||||
|
||
Kailangang bigyang-tulong ang mga babae para maka-ahon sila sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Winika ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpating naka-video sa Pulong ng United Nations (UN) bilang Paggunita sa Ika-25 Anibersaryo ng Ika-4 na World Conference on Women (WCW), nitong Huwebes, Oktubre 1.
Dagdag ni Xi, kailangang pahalagahan ang kalusugang piskal at mental, at kapaligiran ng pinagtatrabahuhan ng mga kababaihang tauhang medikal na nasa unang hanay sa hamon ng COVID-19.
Diin ni Xi, kailangang kailangan ilagay sa isa sa pinakamahalagang puwesto sa pampublikong kalusugan at plano ng pagpanumbalik ng produksyon at gawain sa gitna ng pandemiya ang pagtiyak sa karapatan at interes ng kababaihan at mga bata. Higit sa lahat, kailangang palawakin ang hanap-buhay ng kababaihan at bigyang-dagok ang anuman at simumang lumalapastangan sa kaparatan at interes ng kababaihan, saad ni Xi.
Saad pa ng pangulong Tsino, nararapat ding palakasin ang serbisyong panlipunan para sa kababaihan, lalong lalo na para sa mga buntis, nanganganak, bata, mahihirap na babae, matatandang babae, at babaeng may kapansanan.
Dapat silang tulungan upang malutas ang iba't ibang prolema, diin ni Pangulong Xi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |