Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lehitimong panawagan sa UN, nagpapakitang nasa puso ng mga tao ang katarungan — Hua Chunying

(GMT+08:00) 2020-10-07 16:25:18       CRI

Sa ikatlong komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), walang galang na tinalakay ng iilang bansang kanluranin ang isyu ng Hong Kong at Xinjiang. Bilang tugon, halos 70 bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino, at tinututulan nila ang panghihimasok ng iilang bansang kanluranin sa suliraning panloob ng Tsina.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing mga lehitimong panawagan ay muling nagpapakitang nasa puso ng mga tao ang katarungan. Aniya, muling nabigo ang tangka ng iilang bansang kanluranin na dungisan ang Tsina sa katuwiran ng isyu ng Hong Kong at Xinjiang, ani Hua.

Ipinagdiinan ni Hua na sa katunayan, ang isyu ng Hong Kong at Xinjiang ay hindi isyu ng karapatang pantao na isinusulsol ng iilang puwersang kanluranin, at hindi dapat ito isapulitika.

Dagdag niya, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang paglikha ng sinuman, anumang bansa at puwersa ng di-katatagan, paghihiwalay-hiwalay, at kaguluhan sa Tsina. Buong tatag ding tinututulan ng panig Tsino ang panlilinlang na pulitikal sa pamamagitan ng isyu ng Hong Kong at Xinjiang at panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, diin pa ni Hua.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>