|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati nitong Lunes, Setyembre 21, 2020 sa pulong bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa post-pandemic era, dapat pamunuan ng UN ang katarungan, ipatupad ang pangangasiwa alinsunod sa batas, pasulungin ang kooperasyon, at bigyang-pokus ang aksyon.
Inulit ni Xi na palagiang isinasagawa ng Tsina ang multilateralismo, at aktibong nilalahukan ang reporma at konstruksyon sa pandaigdigang sistema ng pagsasaayos para mapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na dumaranas ang kasalukuyang daigdig sa walang katulad na pagbabago. Aniya, isang mahigpit na pagsubok ang biglang sumiklab na pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.
Ngayo'y nakapasok na ang buong sangkatauhan sa bagong panahon ng konektibidad, at may napakahigpit na pag-uugnayan ang kapakanan at kapalaran ng iba't-ibang bansa. Ani Xi, sa harap ng bagong situwasyon at hamon, dapat malalim na pag-isipan ng iba't-ibang bansa kung anong uri ng UN ang kinakailangan ng daigdig? Sa post-pandemic era, anong papel ang dapat gampanan ng UN?
Tungkol dito, iniharap ni Pangulong Xi ang 4 na mungkahing kinabibilangan ng: una, dapat pamunuan ng UN ang katarungan; ikalawa, dapat itaguyod at ipatupad ng UN ang pangangasiwa alinsunod sa batas; ikatlo, dapat pasulungin ng UN ang kooperasyong pandaigdig; ikaapat, dapat bigyang-pokus ng UN di lang ang salita kundi ang ang mga aksyon.
Bilang panapos, ipinagdiinan pa ni Xi na sa kasalukuyan, nasa isang bagong simulang historikal ang daigdig. Inulit ng Tsina ang matatag na pangako nito sa multilateralismo at pagpapasulong ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |