Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng World Health Organization (WHO), hanggang alas siyete kuwarenta y tres (7:43pm) ng gabi, Oktubre 17 (Central European Time, CET), 2020, naragdagan ng 392,471 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) kumpara noong Oktubre 16.
Anang WHO, ito ay naging pinakamalaking pagtaas ng bilang sa isang araw sapul nang sumiklab ang pandemiyang ito.
Bukod dito, sa panahong iyon, umabot sa 39,196,259 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, at 1,101,298 na katao ang binawian ng buhay.
Ayon sa nasabing datos, isang mahalagang sanhi ng napakalaking bilang ng pagtaas ng kumpirmadong kaso sa isang araw ay napakabilis na rebound ng kalagayan ng pandemiya sa Europa kamakailan.
Salin: Lito