|
||||||||
|
||
Iniharap nitong Lunes, Agosto 31, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) ang apat na mungkahi kaugnay ng pagpapanumbalik ng iba't ibang bansa ng kabuhayan at pamumuhay ng lipunan.
Una, dapat pigilan ang mga aktibidad na posibleng magpalawak ng pagkalat ng virus, na gaya ng pagtitipun-tipon sa mga gymnasium, night club, lugar na panrelihiyon at iba pa.
Ika-2, dapat pangalagaan ang mahinang sektor na kinabibilangan ng matatanda, taong may underlying conditions at essential workers, para pigilan ang pagpanaw nila sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ika-3, dapat patingkarin ng mga indibiduwal ang sariling papel sa pandemiya, at isagawa ang mga hakbanging pamproteksyon sa sarili at ibang tao, na gaya ng pagpapanatili ng social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay, at pagmamaskara.
At ika-4, dapat isagawa ng mga pamahalaan ng iba't ibang bansa ang mga katugong hakbangin, para napapanahong matuklasan, ikuwarentenas, suriin at gamutin ang mga kaso ng COVID-19, at subaybayan at ikuwarentenas ang mga taong may direktang kontak sa mga kumpirmadong kaso.
Diin ni Ghebreyesus, napakahalaga ng bawat buhay, at dapat iligtas ang mga buhay sa abot ng makakaya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |