Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Pagpigil at pag-atake ng Sweden sa mga kompanyang Tsino, di-matalinong kilos

(GMT+08:00) 2020-10-22 13:41:31       CRI

Ipinatalastas kamakailan ng organong tagapagsuperbisa at tagapamahala sa tele-komunikasyon ng Sweden, na sa katuwiran ng umano'y "seguridad," ipagbabawal nito ang pakikilahok ng Huawei Company at Zhongxing Telecom Equipment (ZTE) sa 5G network construction ng bansa.

Hinihiling din nito ang pagtanggal sa lahat ng naikabit na instalasyon ng ZTE bago sumapit ang unang araw ng Enero ng susunod na taon.

Ito ay maliwanag na "atakeng pulitikal" ng Sweden, kasama ng Amerika, laban sa mga kompanyang Tsino.

Nitong ilang taong nakalipas, paulit-ulit na inilabas ng Sweden ang mga maling pananalitang nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina sa mga isyung gaya ng karapatang pantao, Hong Kong, Xinjiang, at iba pa.

Ito ay nagbunsod ng malalaking negatibong epekto sa relasyon ng Tsina at Sweden.

Dahil sa paglalabas ng mga isyung walang katotohanan at pag-atake kahit walang anumang ebidensya, nilalabag ng Sweden ang mga alintuntunin ng merkado at prinsipyo ng pantay na kompetisyon, pati na ang pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Tiyak itong lilikha ng mas malaking hadlang sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Bukod dito, sinira ng mga nabanggit na gawain ang pandaigdigang imahe ng Sweden sa pagkakaroon ng nagsasarili at indipendyeteng patakaran, at pagtataguyod ng multilateral na kooperasyon.

Sa patuloy na pagsunod sa Amerika, malinaw na tumataliwas sa tamang rason ang mga hakbang ng Sweden.

Pinapayuhan ng Tsina ang Sweden na tupdin ang pantay at bukas na prinsipyo ng merkado, mataimtim na tasahin ang pag-unlad ng pangyayaring ito, at iwasto ang maling kapasiyahan sa lalong madaling panahon.

Kung ipagpapatuloy ng Sweden ang nasabing mga gawain, tiyak na isasabalikat nito ang grabeng resultang maidudulot.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>