Plano ng pamahalaang Tsino na pagbutihin ang sosyalistang sistemang pangkabuhayan o socialist market economy, kung saan ang pamilihan ang gumaganap ng pangunahing papel sa alokasyon ng yaman, at pasusulungin pa ang papel ng mga pamahalaan.
Ito ay ayon sa bagong labas na Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), kung saan patuloy na palalalimin ng pamahalaang Tsino ang reporma sa lahat ng mga larangan sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang.
Inilabas ng Tsina ang komunike sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tampok sa kumunike ang naturang pambansang plano at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Salin: Jade
Pulido: Mac