Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ at pinto ng pagbubukas sa labas at reporma ng Tsina, isang malaking pagtitipun-tipon ang idinaos ngayong umaga sa naturang lunsod na matatagpuan sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa.
Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa selebrasyon.
Noong Disyembre 1978, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Noong Agosto, 1980, pinagtibay ng bansa na itatag ang SEZ sa apat na siyudad na kinabibilangan ng Shenzhen, Zhuhai, Shantou at Xiamen. Noong Abril, 1988 naman, itinatag ang Hainan Special Economic Zone.
Salin: Jade
Pulido: Mac