|
||||||||
|
||
Nang mabanggit ang natamong tagumpay ng reporma at pagbubukas ng Tsina, sinabi ni Sommad Pholsena, Ministro ng Likas na Yaman at Kapaligiran ng Laos, na inalis ng Tsina ang karalitaan ng ilang daang milyong populasyon, at isinakatuparan ang dakilang usapin sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan. Bunga ng patakarang ito, mabilis na umuunlad ang kabuhayang Tsino at walang humpay na lumalakas ang puwersang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina, aniya pa.
Ipinahayag niya na sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, ipinagkakaloob ng reporma at pagbubukas ng Tsina ang maraming mahalagang karanasan. Kaugnay nito, tiniyak aniya ng Laos ang napakahirap na hangarin ng pagsasakatuparan ng pagpawi sa karalitaan sa taong 2020.
Dagdag pa niya, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na sumusulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Laos at Tsina. Kasunod ng pagpapabilis ng konstruksyon ng "Belt and Road," walang humpay na mapapalawak ang larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa, at mapaparami ang pormang pangkooperasyon, aniya.
Ang Tsina ay hindi lamang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng pamumuhunan ng Laos, kundi maging ikalawang pinakamalaking trade partner ng Laos. Ang pamumuhunan ng Tsina sa Laos ay nakakapagpasulong sa pag-unlad ng bansa, at nakakapagpabuti sa lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Lao.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |