Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pambansang plano sa susunod na limang taon at modernisasyon sa 2035, itinakda ng Tsina; pagbubukas sa labas at de-kalidad na pag-unlad, isusulong

(GMT+08:00) 2020-10-29 23:43:18       CRI
Inilabas ng Tsina ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), at Long-Range Objectives Through the Year 2035.

Ayon sa plano, patuloy na palalalimin ng pamahalaang Tsino ang pagbubukas sa labas para mapasulong ang liberalisasyon at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan ng buong mundo.

Kasabay nito, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang dekalidad na pag-unlad ng bansa, kung saan ang reporma't inobasyon ang patuloy na magsisilbi bilang pinakapangunahing lakas-panulak.

Napagpasiyahan din ng Tsina na isakatuparan ang modernisasyon sa taong 2035. Tampok dito ang industriyalisasyon, impormalisasyon, urbanisasyon at agrikultura.

Ipinagdiinan din ng pambansang plano ang pagpapauna ng interes at kapakinabangan ng mga mamamayang Tsino.

Ang naturang mga pambansang plano ay pinagtibay sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinangungunahan ni Xi Jinping.

Salin: Jade

Pulido: mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>