|
||||||||
|
||
Inilabas ng Tsina ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Ang nasabing mga plano ay nababatay at naangkop sa pagbabagong panloob at panlabas at mga inaasahan ng mga mamamayang Tsino. Ganito ang komento ni Wang Xiaohui, Pangalawang Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa isang may kinalamang preskon ngayong umaga, Oktubre 30, 2020.
Ayon sa plano sa susunod na limang taon, patuloy na palalalimin ng pamahalaang Tsino ang pagbubukas sa labas para mapasulong ang liberalisasyon at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan ng buong mundo.
Kasabay nito, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang dekalidad na pag-unlad ng bansa, kung saan ang reporma't inobasyon ang patuloy na magsisilbi bilang pinakapangunahing lakas-panulak.
Napagpasiyahan din ng Tsina na isakatuparan ang modernisasyon sa taong 2035. Tampok dito ang industriyalisasyon, impormalisasyon, urbanisasyon at agrikultura.
Ipinagdiinan din ng pambansang plano ang pagpapauna ng interes at kapakinabangan ng mga mamamayang Tsino.
Ang naturang mga pambansang plano ay pinagtibay sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Salin: Jade
Pulido: mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |