Sa news briefing na idinaos Oktubre 30,2020 sa Beijing ng Komite Sentral ng CPC, ipinahayag ni Han Wenxiu, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Komite Sentral sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko, na ang pagtatakda ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano ay lubos na nagpakita ng sosyalismong demokrasiya ng Tsina.
Binuksan Oktubre 29,2020 sa Beijing, ang Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na naprobahan ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025) at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Ayon kay Han, noong katapusan ng nakaraang taon, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Komite Sentral ng CPC at mga kinauukulang departamento ng Konseho ng Estado ng Tsina na isagawa ang pananaliksik hinggil sa isyu ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan para sa Ika-14 Panlimahang Taong Plano.
Noong Marso 2020 at Agosto 2020, sa magkahiwalay na okasyon, nilagom ng Komite Sentral ng CPC ang mungkahi mula sa CPC at ibang partido.
Nangulo si Pangulong Xi sa mga talakayan din hinggil dito.
Salin:Sarah