|
||||||||
|
||
Idinaos Nobyembre 5, 2020, ang seremonya ng paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng Sinopec Group ng Tsina at Eng Seng Food Products ng Pilipinas.
Ang kinatawan ng Sinopec na si G. Wang Haibo (kaliwa) at kinatawan ng Eng Seng na si G. Tom Xiao habang pumipirma ng kasunduan
Ayon sa kasunduan, aangkatin ng Sinopec Group ang mga buko o young coconut at dried fruit snacks mula sa Eng Seng Food Products na nagkakahalaga ng 200 milyong dolyares sa loob ng limang taon.
Bunga nito, mabibili sa mga convenience chain stores na Easy Joy (Yi Jie sa wikang Tsino) ng Sinopec Group ang mga produktong Pilipino.
Ang pagpirma ng kasunduan ay isa sa mga pangunahing kaganapan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa idinaraos na Ikatlong China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina, na tatagal hanggan Nobyembre 10.
Nauna rito, inilabas ng Goodfarmer China ang procurement commitment hinggil sa pag-aangkat ng saging at pinya mula sa Pilipinas na nagkakahala ng US$ 25M sa 2021.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina at puno ng delegasyong Pilipino sa CIIE, na ang pagpirma ng kasunduan ng Sinopec at Eng Seng ay muling nagpapakita ng katangi-tanging kalidad ng mga food products ng Pilipinas. Ibayo pang magpapasulong ito ng malakas nang relasyong pang-ekonomiya at pangkalakalang Pilipino-Tsino. Nagpapatingkad din ito ng papel ng CIIE bilang isa sa mga pinakamabisang platapormang pangkalakalan para ipakilala sa merkadong Tsino at dayuhan ang mga panindang Pilipino,dagdag ni Amba. Sta. Romana.
Si Amba. Sta. Romana (gitna), kasama ng mga kinatawan ng Sinopec at Eng Seng, at mga opisyal na Pilipino
Ang Sinopec Group ay ang pinakamalaking supplier ng mga oil at petrochemical products ng Tsina. Karaniwang matatagpuan ang Easy Joy stores sa mga gas stations ng Sinopec at ibinibenta rito ang mga basic groceries. Sa kasalukuyan, may 27,500 Easy Joy stores sa buong Tsina.
Noong isang taon, umabot ang turnover sa 60 bilyong Yuan RMB ng Easy Joy, at mayroon itong 120 milyong active patrons o buyers.
Ulat: Lito/Jade
Pulido:Mac
Larawan: CIIE
Video: Lito
Video editing: Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |