|
||||||||
|
||
Isandaan at walumpung ($US180) milyong dolyares na halaga ng mga prutas ang planong bilhin ng Dole China mula sa Pilipinas sa taong 2021.
Ito ang inilabas sa aktibidad ng Procurement Commitment ng Dole China, sa Ika-3 China International Import Expo (CIIE) nitong Sabado, Nobyembre 7, 2020,
Ang naturang plano ay tinanggap ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina at puno ng delegasyong Pilipino.
Si Amba. Sta Romana (kanan) habang tumatanggap ng procurement commitment mula kay Dole China GM Terry Chan
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Embahador Sta. Romana na ang procurement commitment ng Dole China ay isang magandang balita para sa Pilipinas.
Ipinahayag din niya ang lubos na pasasalamat sa Dole China sa paniniwala nito sa mataas na kalidad ng mga prutas ng Pilipinas at pagpapalaganap ng mga ito sa merkadong Tsino.
Ang mga dekalidad at katangi-tanging saging, pinya at papaya ng Pilipinas na inangkat ng Dole China ay katanggap-tanggap sa mga mamimiling Tsino.
Dagdag pa riyan, nagsimula na ring angkatin ngayong taon ng Dole China ang mga abokado ng Pilipinas.
Mga prutas mula sa Pilipinas na nakatanghal sa Dole China Pavilion sa ika-3 CIIE
Bilang pasasalamat sa pagpupunyagi ng Dole China sa pagpapasulong ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina, ginawaran ng plake ng pagkilala (Plaque of Appreciation) ni Sta. Romana si Terry Chan, General Manager ng nasabing kompanya.
Lumahok din sa naturang aktibidad ang iba pang opisyal ng Pilipinas na kinabibilangan nina Glenn Penaranda, Commercial Counselor; Ana Abejuela, Agricultural Counselor; John Paul Inigo, Vice Consul (Commercial); Mario C. Tani, Vice Consul; at mga kintawan mula sa Dole China, na pinangungunahan ni GM Terry Chan.
Bilang miyembro ng CIIE Exhibitors Union, kalahok ang Dole China sa CIIE nitong nagdaang tatlong taong singkad.
Naitatag ang Dole noong taong 1851 at ngayo'y nagiging isa sa mga pinakamalaking transnasyonal na korporasyon sa daigdig na nagpoprodyus at nagbebenta ng mga prutas at gulay.
Sapul nang makapasok ang Dole sa Tsina noong 1998, palagian itong nagpupunyagi sa pagpapalaganap ng mga produktong Pilipino sa iba't-ibang porma.
Ayon sa di-ganap na estadistika, mula noong taong 2003 hanggang 2019, mahigit 1.7 milyong toneladang produktong agrikultural mula sa Pilipinas ang naibenta sa Tsina sa pamamagitan ng Dole China.
Ulat: Lito
Pulido: Rhio/Jade
Larawan: Lito/Dole China
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |