Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest Chinese basketball, sumadsad

(GMT+08:00) 2013-08-12 14:14:01       CRI

Pagkaraang matalo ng Taipei Basketball Team ang Chinese Team sa FIBA Asian Championship, nawalan ang Chinese team ng direktang pagkakataon na lumahok sa 2014 Basketball World Cup na idaraos sa Espenya. Ang resultang ito ang pinakamasama sa rekord ng Tsina sa kasaysayan ng paglahok sa Asia Championship sapul noong 1975.

Sa katotohanan, sapul nang magretiro si Yao Ming, dating NBA player, at mga kontemporaryong player mula sa Chinese national basketball team, bumulusok pababa ang tagumpay ng Chinese team sa mga paligsahang panrehiyon at pandaigdig. Bukod sa di-pa sanay ang mga manlalaro sa ideya at tactics ng bagong coach na si Panagiotis Giannakis ng Greece, mabagal ding kumamada ng patas sa paligsahan ang mga manlalaro, liban sa iilang beteranong gaya nina Yi Jianlian, Wang Zhizhi, Zhu Fangyu, at Wang Shipeng.

Noong panahon ni Yao Ming, ang Chinese team ay nasa unang puwesto sa buong Asya. Pero sa kasalukuyan, masyadong mabagal ang pagtuturo sa mga batang manlalaro sa Tsina.

Una, magaling talaga si Yao sa paligsahan. Noong panahong iyon, ang mga tactics ng Chinese team ay angkop para kay Yao. Bukod dito, para mapadali ang pagkuha ng tagumpay sa mga paligsahan, gusto ng mga coach ng national team ang mga kontemporaryong manlalaro na gaya ni Yao. Dahil mainam na naiintindihan nila sa isa't isa at mahusay din sila sa team play. Ibig-sabihin, kaunti ang pagkakataon ng mga batang manlalaro sa paligsahan. Kaya mabagal ang pagtaas ng kakayahan ng mga batang manlalaro.

Ikalawa, ang malaking tagumpay ni Yao ay nakaapekto naman sa ideya ng pagtuturo sa mga bata na gustong maging manlalaro ng basketball. Habang pinipili ng mga coach ang mga batang nag-aaral ng basketball para maging propesyonal na manlalaro, ang mas matangkad na bata ay mas popular kaysa ibang mga bata. Dahil dito, ang istilo ng mga manlalaro ngayon ay nagkakaiba noong dati na nagtatampok sa sariling katangian, kahusayan sa pagsasakatuparan ng tactics at malakas na kalooban.

Noong panahon ng paglalaro ni Yao sa Chinese team, ang nabanggit na mga isyu ay pinabayaan ng mga Tsino dahil sa maningning na tagumpay ng Chinese team. Kasunod ng pagretiro ni Yao at mga kontemporaryong manlalaro, unti-unting lumilitaw ang negatibong epekto ng mahinahong gawain ng Tsina sa pagtuturo ng mga batang manlalaro.

Sa mga paligsahan ng Chinese team sa Asian Championship, nakikitang ang paggawa ng puntos ng mga manlalarong Tsino liban sa mga beteranong gaya nina Yi Jianlian, Wang Zhizhi, Zhu Fangyu, at Wang Shipeng, ay parang patulug-tulog sa paligsahan.

Ang paglalaro ng basketball ay isang grupong sport. Kahit gaano kalakas ang isang manlalaro, kailangan din niya ang mga mainam na kakampi para makuha ang tagumpay. Ito ang dahilan kung bakit nakuha ni LeBron James ng Heat ang kampernato ngayong taon.

Popular ang basketball dito sa Tsina at nilalaro ito ng maraming batang Tsino. Pero ang mga propesyonal na manlalarong Tsino sa basketball ay pinipili mula sa mga bokasyonal na paaralang pampalakasan. Ibig-sabihin, kung mali ang paraan ng pagtuturo sa mga estudyanteng nag-aaral ng basketball, magiging kaunti ang pagpipilian ng mga basketball club ng Tsina. At siyempre, kung walang sapat na mahusay na batang manlalaro, magkakaroon ng kakulangan ang Chinese Team sa mga mahusay na manlalaro.

Kahit natamo ng Chinese team ang maningning na tagumpay, sapul nang kauna-unahan itong lumahok sa Asian Championship noong 1975, ang nabanggit na pagkabigo ng Chinese team sa kasalukuyang Asian Championship ay nagpatalastas na tapos na ang panahon ni Yao Ming at hindi maganda ang bagong simula ng Chinese basketball. Kaya kailangan ng Chinese team ang mas maraming pagsisikap para mapawi ang mga problema at sana hindi tumagal ang ganitong kalagayan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>