Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ang Romantikong Bagay

(GMT+08:00) 2013-08-20 10:04:52       CRI

Bukod sa chocolate at pulang rosas, romantiko rin ang paghalik ng mga magkasintahan. Noong ika-10 ng buwang ito, idinaos sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunan ng Tsina, ang isang paligsan nang pinakamatagal na halikan ng mga magkasintahan bilang pagdiriwang sa Qixi festival ng Tsina ngayong taon o Chinese Valentine's day. Habang naghahalikan ang mga magkasintahan, dapat karga ng lalaki ang kanyang nobya. Kaya sa bandang huli, nagtagumpay ang isang magkasintahan dahil tumagal sila nang 47 minuto sa kontest.

Ang Qixi Festival dito sa Tsina ay ipinagdiriwang tuwing ika-7 ng Hulyo sa lunar calendar ng Tsina para sariwanin at gunitahin ng mga Tsino ang kanilang malalim na pagmamahal sa kanilang mga kasintahan at asawa. Palagiang ipinalalagay na ang Qixi Festival ay nagmula sa romantikong alamat hinggil sa pagmamahalan nina Zhi Nv at Niu Lang.

Sa tradisyonal na alamat ng Tsina, si Zhi Nv ay isang batang diyosa at si Niu Lang naman ay isang karaniwang pastol. Ang alamat na ito ay parang kuwento ni Cinderella sa istilong Tsino, pero nagkapalit sila ng katayunan ng kanyang minamahal na Prinsipe.

Sa katotohanan, noong panahon ng Han Dynasty kung saan nagsimula ang Qixi Festival, mataas talaga ang katayunan ng mga kababaihan. Maari silang lumahok sa mga aktibidad na pampubliko, at puwedeng maging tunay na kataas-taasang lider ng bansang Tsina.

Pero alam ba ninyo? Ang Qixi Festival noong unang panahon ay hindi ipinagdiwang para sa pagmamahal. Ito'y paggunita ng mga babae kay Zhi Nv lamang at para maging magaling sa pagtatahi. Dahil ang kahusayan sa pagtatahi ay isang mahalagang bagay para sa mga kababaihan para makahanap ng mainam na asawa at tanggapin ng kanyang biyenan.

Siyempre sa kasalukuyan, hindi na kailangan ang kahusayan sa pagtatahi para sa mga karaniwang babae sa paghahanap ng nobyo. Pero nananatili pa rin ang hangarin sa paghanap ng tunay na pagmamahal. Ngayon, malaya ang mga Tsino sa paghanap ng kanilang kasintahan. Pero di gaya ng dati, ayos lang kahit di ito mauwi sa kasalan.

Sa kasalukuyan, isyung panlipunan dito sa Tsina ang mga leftover ladies at left over men. Ngunit hindi dapat ito ikabahala nang malubha ng kanilang mga magulang. Ang naturang lalaki at babae ay itinuturing na ng lipunan na single pa rin pero ang kanilang edad ay umabot sa angkop na edad sa pagpapakasal batay sa tradisyonal na kaugalian. Sa katotohanan, ang mga leftover ladies at leftover men ay, pangunahin na, mga tao na wala pang balak na magpakasal sa halip na tumanggi sa kasal.

Kahit malaya ang paghanap ng mga tao sa kanilang kasintahan, sana sa Qixi Festival, tradisyonal na pestibal ng pagmamahal ng Tsina, ay magkaroon ang mga binata at dalaga ng kanilang tipong kasintahan at walang hanggang manatili ang kanilang pagmamahalan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>