Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-4 2014

(GMT+08:00) 2014-02-11 17:33:22       CRI

January 26, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Love is composed of a single soul inhabiting two bodies."-- Aristotle

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan…

Bukod sa ilang piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang salin sa wikang Tsino ng mga pangunahing sangkap ng pagkain plus SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig.

May mga mensahe ang San Andres boys; si Delia ng Malabon, Metro Manila; at Carmi ng Singalong, San Andres, Manila.

Happy Chinese New Year

Sabi ng San Andres boys: "Maligayang bati, Kuya Ramon, para sa 2014 Chinese New Year. Wish lang namin na sana panikin ka pa ng maraming biyaya sa taong ito at sana makaiwas ka sa matitinding sakit ng ulo."

Sabi naman ni Delia ng Malabon, Metro Manila: "Happy Spring Festival sa Gabi ng Musika at sa iyo, Kuya Ramon. Napakinggan ko iyong program ninyo hinggil sa mabuting ama. Sa opinion ko, ang pamamalo sa anak ay ginagamit lamang na last resort. Kung makukuha ang bata sa mabuting pangaral hindi na kailangang paluin pa. Dapat malaman din ng bata na pinagsasabihan mo siya dahil mahal mo siya at ayaw mo siyang mapasama at hindi dahil mainit lang ang ulo mo o galit ka lang."

Sabi naman ni Carmi ng Singalong, San Andres, Manila: "Nakakalungkot naman, Kuya Ramon. Enero na, binabagyo at binabaha pa tayo. Sabi, ito raw ay climate change at walang ibang dapat sisihin kundi tayo ring mga tao dahil sa sobra-sobra ang pang-aabuso natin sa kapaligiran. Anong sey mo rito?"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

JAMBALAYA
(CARPENTERS)

Iyan, narinig ninyo ang Carpenters sa kanilang awiting "Jambalaya." Ang track na iyan ay lifted sa kanilang album na pinamagatang "Carpenter's Greatest Hits."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang text messages.

Sabi ng +86 138 114 09630: "Advance happy Chinese New Year, Kuya Ramon. Sana masipa ng kabayo yung mga negative elements sa buhay natin para naman hindi maunsiyami mga pangarap natin."

Sabi naman ng +63 928 442 0119: "Heto na naman ang bagyo, Kuya Ramon. Hindi pa nga nakakapagpatayo ng mga bahay iyong mga biktima ng bagyo sa Samar at Leyte binaha na naman tayo. Ano ba iyan."

Sabi naman ng +63 919 564 9010: "Kung hindi lang delikado, mas mabuti pang magbisikleta na lang tayo sa Maynila at sa mga paligid na lugar. Tipid-gasolina na, ehersisyo pa."

Dumplings para sa Spring Festival

Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Tama nga. Bilog kasi ang dumplings kaya parang nagri-resemble sa coin at nangangahulugan ng pera. Dapat tayong kumain ng dumplings kung Chinese New Year."

Sabi naman ng +63 906 522 9981: "Marami tayong makikitang magagandang fireworks display dito sa atin kung Chinese New Year. Halos taun-taon ginagawa nila iyon at bawat taon paganda nang paganda."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

FULLY RECOMMENDED
(CHEN WEIQUAN)

Iyan naman si Chen Weiquan sa kanyang awiting "Fully Recommended," na hango sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Ano sa Chinese ang kabute o mushroom? mani o peanut? mais o corn? sitsaro o Holland beans? at labong o bamboo shoot?

Ang kabute ay mogu, m-o-g-u, mogu; ang mani ay huasheng, h-u-a-s-h-e-n-g, huasheng; ang mais ay yumi, y-u-m-i, yumi; ang sitsaro ay helandou, h-e-l-a-n-d-o-u, helandou; at ang labong ay sun, s-u-n, sun.

Uulitin ko. Ang kabute o mushroom ay mogu; ang mani o peanut ay huasheng; ang mais o corn ay yumi; ang sitsaro o Holland beans ay helandou; at ang labong o bamboo shoot ay sun.

Maraming-maraming salamat sa pagtangkilik ninyo sa bahaging ito ng programa ng inyong lingkod.

THE WONDER OF XINJIANG
(DAO LANG)

Mula sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002," iyan ang awiting "The Wonder of Xinjiang," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Dao Lang.

Salamat sa mga sumumusod sa kanilang advance Chinese New Year greetings: Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Manny ng many_feria@yahoo.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch; at Poska ng poskadot610@hotmail.com.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cr.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, filipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-3 2014 2014-01-23 18:02:08
v Gabi ng Musika ika-2 2014 2014-01-22 16:05:14
v Gabi ng Musika Una 2014 2014-01-15 09:56:42
v Gabi ng Musika ika-52 2013 2014-01-08 10:26:51
v Gabi ng Musika ika-51 2013 2014-01-02 16:42:55
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>