|
||||||||
|
||
Gabi ng Musika 20140615
|
June 15, 2014 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atb.
Andre Gide
Quote for the day: "It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not."--Andre Gide
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon. Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atb.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Mildred ng Cebu City: "Iyong programa ninyong Cooking Show, Kuya Ramon, bukod sa informative na, nakakalibang pa. Sana ipagpatuloy pa ninyo ito at tumagal pa ito sa air. Enjoy kami ng pakikinig sa tambalan ninyo ni Ate Cielo."
Sabi naman ni Elsa ng Lungsod ng Kalookan: "Binabati ko kayo sa matagumpay ninyong Selebrasyon ng Pagkakaisa. Nakita ko lahat ang pictures. Kay gaganda ng kuha. Congratulations sa inyong lahat!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
Narinig ninyo ang awiting "Unchained Melody," sa sariling version ni Barry Manilow. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "The Ultimate."
UNCHAINED MELODY
(BARRY MANILOW)
Narinig ninyo ang awiting "Unchained Melody," sa sariling version ni Barry Manilow. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "The Ultimate."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atb. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TEXT MESSAGES
(CIELO)
Bigyang-daan naman natin ang mga mensahe ng ilang texters.
Sabi ng +63 917 401 3194: "Maligayang bati sa Araw ng Kasarinlan, Kuya Ramon. Sana naman ma-realize ng bawat Pilipino ang kaniyang mga adhikain sa buhay at ma-realize sa kalahatan ang Filipino dream."
Sabi naman ng +63 918 730 5080: "Happy Sino-Filipino Friendship Day and Philippine Independence Day sa inyong lahat diyan, Kuya Ramon. Sana maging masaya ang inyong mga celebration away from home. Siyempre, join kami sa inyong pagsasaya."
Sabi naman ng +49 242 188 210: "Bakit ba pati international sports federations nai-involve sa corruption? Hindi ba sila nga ang dapat magsilbing halimbawa sa lahat ng mga manlalaro? Paano natin malalaman ngayon kung may dayaan sa bidding o wala?"
Sabi naman ng +86 135 202 34755: "Hindi talaga mahihinto ang terorismo kung tutugisin lang nila ang mga terorista. Mas mabuti siguro alamin na lang nila ang root cause ng terorismo. Sa gayon, maiiwasan pa ang pagdanak ng dugo."
Sabi naman ng +63 921 257 6634: "Looks like ayaw ng mga Brazilian na matuloy ang World Cup sa Sao Paolo. Wala ring hinto ang protesta nila habang papalapit ang football games. Ano ba iyan…"
Thank you so much sa inyong mga SMS.
PERHAPS LOVE
(JACKY CHEUNG)
Iyan naman ang "Perhaps Love," sa pag-awit ni Jacky Cheung. Ang awiting iyan ang original soundtrack ng pelikulang may katulad na pamagat.
At oras na naman para sa pagluluto ng isang Chinese recipe. Narito ang ating cook, ang ipinagmamalaki nating lahat na si Cielo.
COOKING SHOW
(CIELO)
Hello there! Ito si Cielo at welcome sa culinary segment ng Gabi ng Musika. Ngayong gabi, ituturo ko sa inyo kung paano lutuin ang popular na popular na Chinese dish na tinatawag na Gong Bao Ji Ding o ang Spicy Diced Chicken. Ang dish na ito ay nagmula sa Sichuan Province sa central-western China.
Ready na kayo?
Ang pangunahing sangkap ng putaheng ito ay 400 grams ng chicken breast.
At para sa seasoning, kakailanganin ang mga sumusunod:
100 grams ng vegetable oil
20 grams ng red dried chillies (finely chopped)
50 grams ng mani (yung fried at walang balat)
2 itlog (yung pula lang ang gagamitin)
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 milliliter ng suka
10 milliliter ng cooking wine
5 grams ng dinikdik na bawang
5 grams ng soy sauce
20 grams ng harina
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Punta naman tayo sa paraan ng pagluluto:
Hiwain nang pa-cube ang chicken breast sa sukat na 2-3 centimeters ang lapad ng bawat gilid. Ilagay ang mga cubes sa bowl. Isama ang egg yolk, asin at harina at huluing mabuti.
Mag-init ng 20 grams ng mantika sa kawali at igisa ang red chillies at bawang hanggang sa malanghap ang bango tapos ilagay ang chicken cubes at balibaligtarin nang maraming ulit.
Ilagay ang mani, soy sauce, cooking wine, asukal, suka at mixture of cornstarch and water. Baligtarin pa nang maraming ulit. Pagkaraan niyan, the dish is ready to serve.
Sana kinasiyahan ninyo ang aming presentation this evening. Itong muli si Cielo. Bye bye for now and happy cooking.
THE BIRTHDAY SONG
(DON MCLEAN)
"The Birthday Song," inawit ni Don Mclean at hango sa album na may pamagat na Don Mclean's Greatest Hits.
May ilang SMS pa rito.
Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Masayang Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina. Kayo ay mahalagang tulay para rito."
Sabi naman ni Mirasol ng Beijing, China: "Maraming strange things na nangyayari sa paligid-ligid. Dapat manatili tayong positive and optimistic. At the end of the day, mari-realize natin na ang lahat ng mga iyan ay pansamantala lang."
Sabi naman ni Jannet ng Baguio City: "Tama iyan. Itaguyod natin ang magandang pagsasamahan. Let us be friends in good times and in bad times."
Thank you so much sa inyong mga SMS.
Kung nakikinig si Lisa ng elisabornhauser@leunet.cn at Carol ng carolnene.edwards@gmail.com, super salamat sa inyong ayuda sa aming Selebrasyon ng Pagkakaibigan. Talagang malaking tulong ang inyong naipagkaloob sa amin. Thank you uli and God bless.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atb. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |