Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-18 2014

(GMT+08:00) 2014-05-28 15:32:08       CRI

May 11, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

James A. Baldwin

Quote for the day: "Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle; love is a war; love is a growing up."--James A. Baldwin

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema. Kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, kung may problema, may solusyon. Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto din sa Gabi ng Musika atbp.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Brenda Lim ng Kawit, Cavite: "Wala naman sigurong malaking problema kung magpapakasal ang isang mayamang-mayamang babae sa isang mahirap na lalaki. Magiging usap-usapan lang sila ng mga tao pero magsasawa rin ang mga iyon. Basta ang mahalaga, lubos ang pagmamahal nila sa isa't isa at nakahanda silang makibagay sa isa't isa."

Sabi naman ni Evelyn Sy ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "May mga nababalitaan tayong pagbaha sa ilang lugar ng Amerika na hindi naman dati lumulubog sa tubig. Tiyak na sinyales iyan ng climate change at wake up call sa ating lahat. Hindi pa naman siguro huli kung mag-adopt tayo ng mga hakbangin para mapigilan ang tuluyang pagsama ng lagay ng klima."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

BIRTHDAY SONG
(DON MCLEAN)

Iyan naman ang "Birthday Song," na inawit ni Don Mclean at hango sa album na pinamagatang "Don McLean's Greatest Hits."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TEXT MESSAGES
(CIELO)

Bigyang-daan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.

Sabi ng +49 242 188 210: "Parang abut-abot naman kamalasan ng South Koreans. Pagkatapos ng ferry boat accident, train accident naman. Sabi nga ng isang kasabihan, `When it rains, it pours.' I can feel how they feel."

Sabi naman ng +86 135 647 55772: "Malakas ang paniwala ko na may mga nanunulsol sa magkabilang sides ng Ukraine kaya lalong lumalaki ang gulo roon, at ang mga nanunulsol na ito ay mga war freak. Magliwanag sana ang isip nila."

Sabi naman ng +63 919 302 3333: "Let us pray for world peace. Huwag tayong hihinto. Mas malakas ang powers ng dasal kaysa alinmang puwersa sa mundo. Gawin natin itong mataimtim. Hinahamon tayo ng mga tao na nasisiyahan pag may gulo."

Sabi naman ng +41 793 851 776: "Dahil sa pinasok na kasunduan ng Pilipinas at U. S., hindi natin maiiwasan na masangkot sa anumang digmaan na susuungin ng Amerika. Marami yun, ah, di ba?"

Sabi naman ng +63 917 401 3194: "Iba talaga ang nature's way. You only need the most fundamental things in life. Hindi ka laging nakakaranas ng stress at laging panatag ang iyong kalooban. Let's go back to nature and promote nature's way."

Thank you so much sa inyong text messages.

EAT THE FISH THAT YOU COOK
(NAN QUAN MAMA)

Iyan naman ang "Eat the Fish that You Cook," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Nan Quan Mama. Ang track na iyan ay hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang hapunan natin sa gabing ito. Narito ang ating ipinagmamalaking cook, ang walang kasing-sarap maglutong si Cielo.

COOKING SHOW
(CIELO)

Stir-fried Snow Peas

Hello friends! Hetong muli si Cielo at ngayong gabi, isa na namang simpleng lutuing Tsino ang ating iluluto. For sure, magugustuhan ito ng mga vegetarian at mga on diet na katulad ko. Ito yung Stir-fried Snow Peas o tinatawag din nating Ginisang Sitsaro. Alam ko na pamilyar na pamilyar na kayo rito dahil mayroon tayong sariling version nito. Pero, this time, lulutuin natin ito sa paraang tinatawag sa Chinese na Qingchao o Shengchao method o paraang hindi gumagamit ng vetsin o anumang katulad na pampalasa.

Okay, ready? Narito ang mga sangkap: Ang main ingredient ay 300 grams ng sitsaro. At para sa seasoning, kailangan ang mga sumusunod: 20 grams ng vegetable oil; 5 grams ng asin; 5 grams ng asukal; 5 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog o shallot; 5 grams ng tinadtad na luya; 10 grams ng tinadtad na bawang; at 20 grams ng mixture of cornstarch and water.

Iyan, na-gets ninyo? Sige, punta na tayo sa paraan ng pagluluto: (1) Una, hugasan ang sitsaro at putulin ang magkabilang dulo. Tanggalin din ang fiber sa gilid. (2) Ibuhos ang mantika sa frying pan tapos painitin. Pagkaraan, ilagay ang luya at sibuyas. Pag naamoy na ninyo ang bango ng luya at sibuyas, ilagay ang sitsaro at igisa. (3) Ilagay ang asin, asukal, mixture of cornstarch and water at bawang tapos ituloy ang paggisa at siguruhin na balanse ang pagkakagisa ng magkabilang sides ng sitsaro. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Very simple, di ba?

Sana kinasiyahan ninyo ang cooking demo natin ngayong gabi. Itong muli si Cielo. Bye bye for now and happy cooking!

CARAMEL
(SUSAN VEGA)

"Caramel," inawit ni Susan Vega at buhat sa album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."

Mayroon pa ritong ilang SMS.

Sabi ng 928 442 0119: "Hi, Kuya Ramon! Lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika. Salamat sa mga oldies at goldies. Ina-appreciate ko talaga ang mga iyon."

Sabi naman ng 919 564 9010: "Niluluto ko sa sariling paraan iyong inyong mga recipe. Hindi kaya masira ako sa lasa?"

Sabi naman ng 917 483 2281: "Sinusundan ko ang development ng pangyayari sa Ukraine. Mahirap pag lumala ang labanan doon. Maraming madadamay.

Salamat sa inyong mga SMS.

Kung nakikinig si Carol ng carolnene.edwards@gmail.com, maraming-maraming samalat sa iyong greeting card at moral support. Alam mo, kailangang-kailangan talaga namin dito ang inyong moral at spiritual support. Thank you uli and God bless.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God bless…

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-17 2014 2014-05-21 15:14:08
v Gabi ng Musika ika-16 2014 2014-05-14 16:45:18
v Gabi ng Musika ika-15 2014 2014-05-07 18:49:09
v Gabi ng Musika ika-14 2014 2014-04-30 17:12:52
v Gabi ng Musika ika-13 2014 2014-04-23 15:09:40
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>