|
||||||||
|
||
Gabi ng Musika 20140601
|
June 1, 2014 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atb.
Elbert Hubbard
Quote for the day: "Responsibility is the price of freedom,"--Elbert Hubbard
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapagupo sa problema. Kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.
Tunghayan natin ang ilang piling awitin.
Sabi ni Brenda Lim ng Kawit, Cavite: "Siguro iyong boyfriend ng babaeng sinasabi ninyo ay may katorpehan kaya iyong babae na ang nag-propose sa lalaki. Hindi na siguro makapaghintay iyong babae kaya siya na ang nagkusa. Para sa marami, hindi iyan normal na kagawian kaya ipinagtataas nila ng kilay iyan."
Sabi naman ni Lilian ng Ormoc City, Leyte: "Alam ko na magse-celebrate kayo ng Sino-Filipino Friendship Day next week. Sana maging masaya ang mga Pilipino at Chinese na dadalo at sana maging matagumpay as a whole ang inyong celebration."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe, Brenda at Lilian.
IT'S NOT FOR ME TO SAY
(BARRY MANILOW)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "It's Not for Me to Say," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Barry Manilow. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "The Ultimate."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atb. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TEXT MESSAGES
(CIELO)
Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates.
Sabi ng +63 928 442 0119: "Okay lang naman siguro kung mag-propose tayo sa paraan na hindi karaniwan at mukhang katawa-tawa sa iba. Pagdating sa ganyang mga bagay tayo ang dapat masunod at hindi ang iba. Pribadong buhay natin ito, eh."
Sabi naman ng +49 242 188 210: "Curious lang ako kung ano ang magiging future ng dating Prime Minister ng Thailand at kanyang pamilya sa ilalim ng martial law sa Thailand. Parang hindi stable ngayon lagay ng bansa."
Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Paki-eksplika niyo nga sa akin iyong madalas na sinasabi ng mga students dito na `Ang Amerika ay walang permanenteng kaibigan; mayroon lang itong permanenteng interes.' Laging sinasabi iyan ng mga aktibista dito sa atin."
Sabi naman ng +63 906 522 9981: "Ang nangyari sa Serbia ay halos katulad ng nangyari sa Samar at Leyte. Nakakapagtaka nga kung bakit kulang na kulang sa media coverage. Tulungan naman natin ang Serbia. Ang maliit na tulong ay napapalaki kung tayo ay magsasama-sama."
Sabi naman ng +63 917 563 1184: "Bilib talaga ako sa tapang ng mga Thailanders. Tuloy pa rin sila sa pagrarali kahit ang buong bansa ay nasa military rule. Hindi mo talaga mapipigil ang mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga hinaing."
Many, many thanks sa inyong mga SMS…
PLAY WITH ELVA
(DAVID TAO)
Iyan naman ang "Play with Elva," na inawit ni David Tao at hango sa album na pinamagatang "David Tao 69."
Punta na tayo sa culinary portion ng ating programa. Narito ang ating cook, ang walang kasing-sarap maglutong si Cielo.
COOKING SHOW
(CIELO)
Sauteed Sweet Corn with Pine Nuts
Hello friends! Ito si Cielo and it's cooking time once again. Sa segment na ito ng ating programa, ituturo ko sa inyo ang Chinese way ng pagluluto ng Sauteed Sweet Corn with Pine Nuts.
Mga Pangunahing Sangkap:
300 grams ng sweet corn
50 grams ng pine nuts
Itong pine nuts ay kilala rin dito sa China as "longevity nuts," kaya ugaliin natin ang pagkain nito.
Para sa seasoning:
20 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
Isang piraso ng carrot
Kalahating piraso ng cucumber o isang bell pepper
30 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
Hiwain ang carrot at cucumber o bell pepper nang pa-cube at kasinlaki ng butil ng sweet corn. Pakuluan ang sweet corn sa boiler sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.
Painitin ang frying pan pero huwag lalagyan ng mantika. Isangag ang pine nuts nang walang mantika at pag nagbago na ang kulay, alisin at itabi muna.
Mag-init ng mantika sa frying pan tapos ilagay ang sweet corn at carrot o bell pepper. Igisa sa loob ng 30 seconds tapos isunod ang pine nuts, asin, asukal at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paggisa at kung pantay na ang pagkakagisa, puwede nang i-serve.
Hayan na naman ang isang healthy at simpleng dish na siguradong magugustuhan ng buong pamilya. Magkita-kita tayo muli next week. Ito si Cielo and bye bye for now.
LODI
(CREEDENCE CLEARWATER REVIVAL)
Lodi, sa pag-awit ng Creedence Clearwater Revival at buhat sa album na may pamagat na "Platinum."
May ilang mensahe pa rito.
Sabi ng San Andres Boys ng San Andres, Manila: "Walang halong biro. Suportado namin ang inyong Selebrasyon ng Pagkakaibigan."
Sabi naman ni Mulong ng romulo_demesa@yahoo.com: "Kasama kami, Ka Ramon, sa Selebrasyon ng Pagkakaibigan. Mabuhay ang Philippines-China relation.
Sabi naman ni Kate ng red_ford@yahoo.com: "Sa magkakaibigan, dapat walang laglagan. Ang lahat ay dapat nagdadamayan at nagkakalingaan."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atb.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0947 287 1451.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |