Kamakailan, gumawa ang ilang malalaking media sa Tsina ng isang online survey hinggil sa kung anu-ano ang ginagawa ng mga college student sa pamantasan. Ang resulta ng survey ay ipinagtaka ng maraming tao. Dahil anito, 1% lamang ng mga college student ang nagkokonsentra sa pag-aaral. Kung ganoon, ano ang pinaggagawa ng mga iba? Ayon pa sa survey, 28% ang gumugugol ng karamihan ng kanilang oras sa pakikipag-boyfriend o pakikipag-girlfriend at 12% naman ang abalang-abala sa part-time jobs para kumita ng pera.
Anu-ano ang masasabi ng mga hosts hinggil sa resulta ng naturang survey? Anu-ano sa palagay nila ang dapat gawin ng mga college students sa pamantasan? Pag-usapan Natin!
Para naman sa mga giliw na tagasubaybay, anu-ano sa palagay ninyo ang dapat gawin sa pamantasan? At noong kayo ay nasa pamantasan, anu-ano ang ginawa ninyo?