|
||||||||
|
||
MPST20140205Ileto.m4a
|
Si Dr. Ileto kasama ang mgapropesor mula sa Philippine Studies Program ng Peking University
Si Dr. Ileto ay isang nangungunang iskolar na nagturo sa National University of Singapore, John Cook University, Australian National University, University of the Philippines at De La Salle University.
Kabilang sa mga paksang kanyang malalimang sinaliksik ay tungkol sa Philippine revolution at mga himagsikan sa Timogsilangang Asya.
Isa sa pinaka sikat niyang akda ang Pasyon and Revolution; Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Gamit ang mga aral ng Katolisismo, inilantad ng aklat ang dahilan kung bakit sumiklab ang himagsikan kontra sa paniniil ng mga Kastila.
Dumalaw kamakailan sa Beijing, si Dr. Reynaldo Ileto sa paanyaya ng Departamento ng Kasaysayan ng Peking University. Ito ang ikalawang pagdalaw nya sa Tsina mula noong 1978.
Bago magtapos ang taong 2013 maraming mga Pilipinong propesor at dalubhasa mula sa iba't ibang pamantasan sa Pilipinas ang pumunta sa Beijing para magbigay ng serye ng lectures.
Ang mga pamantasan ay lugar ng malayang mga talakayan. Ang pagdalo ng mga Pilipinong dalubhasa sa mga lectures ay pagkakataon para makapagbahagi ng mahalagang mga kaalaman, mga kaalamang makakatulong para mas lumalim ang pagunawa ng mga Tsino sa mga Pilipino. Mga kaalaman ding makapagpapatatag sa mahabang kasaysayan ng paguugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
At sa tulong ng mga academic lectures na ito, naipapaliwanag at natatalakay ang ilang paksa sa kasaysayan, politika at polisiya sa diplomasya ng Pilipinas. Sa panahong may gusot ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, isang mainam na mekanismo para sa mabuting paguunawaan ang ganitong uri ng talakayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |