|
||||||||
|
||
MPST20140625FilipinoTennis.m4a
|
Filipino Tennis Club Beijing
Isang English teacher, gitarista, financial analyst at hospitality executive … sila ay ilan lang sa mga miyembro ng grupong Filipino Tennis Club sa Beijing. Ang summer ay panahong perfect para sa sports. At kamakailan, nagkasundo ang mga miyembro ng Filipino Tennis Club na isagawa ang isang tennis tournament para sa mga kaibigang dayuhan at Tsino. Ito ang ikalawang torneo na kanilang inilunsad, ngayong taon tinawag ng club ang kumpetisyon bilang Martin's Championship. Ibinahagi ni Jedi Jim Carcallas, Tournament Director kung paano nabuo ang club at kung ano ang kanyang naiaambag sa pagsusulong ng mga adhikain nito lalo pa'y siya ay isang certified tennis development coach ng US Professional Tennis Association.
Si Jedi Jim Carcallas, Tournament Director
May iba't ibang division ang Martin's Championship na kinabibilangan ng advanced players, mid-range players at beginners. Sa Single's Class B hinirang bilang kampeon si Cesar Flores, isang Senior Financial Manager na higit 20 taon nang nagtratrabaho sa Beijing. Sa score na 6-1 yumukod sa kanya ang kalabang si Rolando Gamboa. At dahil sa husay na ipinakita sa kanyang laro, sa susunod na turneo aangat na si Cesar sa Class A para harapin ang mas magagaling na tennis players na kalahok. Ayon sa kanyan ang grupong ito ay magandang social club.
Si Cesar Flores (kanan) at angnakalaban sa Singles na si Rolando Gamboa
Team to beat naman si Rod Camposagrado sa Double's event. Champion noong 2013, muling nasungkit nina Rod at ng kanyang Amerikanong teammate na si Pete Adams ang Double's Championship. Bagamat sa kampiyonatong ito lang sila magkasamang naglaro, ipinakita ng pares ang taglay nilang lakas sa loob ng court. Dati'y golf player si Rod alamin natin kung bakit siya lumipat sa mas nakakapagod na laro ng tennis.
Si Rod Camposagrado (kaliwa)kasama si Pete Adams na nagwagi sa Doubles Event
Sound body sound mind ayon sa isang kasabihan. Kaya importante para sa mga OFWs na maglaan ng oras para sa sports. Bukod sa magandang pangangatawan ito'y nag aalok din ng pagkakataon para magkaroon mas mapalalim ang pagkakaibigan at mas maging matibay ang samahan ng mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bayan.
Para mapakinggan ang programang MPST sa desktop gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito. Sa mga smartphones at tablet owners i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa. Sundan ang latest na programa at i-LIKE ang Facebook page na CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |