|
||||||||
|
||
MPST20140709Jeng.m4a
|
Kilala ang Palawan bilang last frontier. Kumpara sa ibang mga lalawigan sa Pilipinas, sa Palawan luntian ang kapaligiran at bantay sarado ang kalagayan ng kalikasan. Higit sa lahat ang takbo ng pamumuhay ay di sing bilis kung ihahambing sa mga mauunlad na lunsod.
Sa Tsina, ang mga katangiang ito ay makikita sa lunsod ng Chengdu. lalawigan ng Sichuan. At ang mga katangiang ito rin ang naging dahilan para tumagal sa Tsina si Jeng Torres. Ang episode ngayong gabi ay sumilip sa buhay ng pamilya Torres na siyam na taon nang naninirahan sa Chengdu, tinaguriang Land of Abundance sa Tsina. Pakinggan natin ang panayam ni Mac Ramos kay Gng. Jeng Torres at alamin ang kanyang mga karanasan habang naninirahan sa Chengdu.
Maari ring mapakinggan ang interbyu sa Podcast na Kape't Tsaa. Sundan ang iba pang mga programa sa Facebook page na CRI Filipino Service.
Mas naging malapit sa isa't isa ang pamilta Torres matapos manirahan sa Chengdu. Ito ani Jeng Torres ang pinakamagandang bunga ng kanilang pagtira sa Tsina
Ernest Wang, Jeng Torres, Dr. Peter Torres at Mac Ramos sa klinika ng Yafei sa Chengdu
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |