Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Consul General Wilfredo Cuyugan at kanyang mga plano para sa isulong ang pagkakaibigang Sino-Filipino sa Shanghai

(GMT+08:00) 2014-08-05 16:31:51       CRI

May bagong consul general ang Pilipinas sa Shanghai. Dumalaw sa financial hub ang team ng Mga Pinoy sa Tsina para makilala si Consul General Wilfredo Cuyugan.

Sinimulan ni Consul General ang kanyang misyon sa Shanghai nitong Marso, 2014

Napanood ng team ng Mga Pinoy sa Tsina ang Voices of Gratitude tribute concert na balita namin ay isang buwan lang nilang pinaghandaan ng konsulado kasama ang mga miyembro ng Filipino Community at ng Philippine Soong Qing Ling Foundationa. Sa kabila ng maikling panahon ng pagpaplano, ang aktibidad at matagumpay na naidaos. Ito'y well attended at well applauded.

Sina Andrea Wu, Consul General Wilfredo Cuyugan at Machelle Ramos sa kanyang tanggapan sa Philippine Consulate General sa Shanghai

Sa pamamagitan ng Voices of Gratitude, muling pinatunayan na ang musika ay walang hanggahan gayun din ang pagkakaibigan. At sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, hangad ng mga organizers na ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino at Tsino ay yayabong din at malalampasan ang anu mang hanggahan

Mga miyembro ng Loboc Children's Choir na nagpahayag ng kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Shanghai sa kanilang pagtatanghal

Sa one-on-one interview ng Mga Pinoy sa Tsina, alamin kung paano naghanda si Consul General Wilfredo Cuyugan sa kanyang bagong katungkulan at ano ang mga proyektong nakahanay para isulong ang people-to-people exchanges sa mga Pinoy at Tsino.

Pakinggan ang buong panayam sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Para sa maalwang pakikinig siguruhing gumagana ang latest version ng Flash Player sa inyong browser. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>