|
||||||||
|
||
MPST20141126Shanghai Flavors
|
MPST20141126Flavors.
|
Sa kauna-unahang pagkakataon idinaos ang isang 3-in-1 event na tampok ang mga pagkaing Pilipino. Ang More Flavors of the Philippines ay aktibidad na itinaguyod ng Philippine Consulate General ng Shanghai. Walang itong kaparis una dahil sa Food Exhibit na pinamagatang Pagkain, na batay sa librong Kulinarya ng pamosong manunulat na si Michaela Fenix at premyadong photographer na si Neal Oshima. Ikalawa, ang Food Festival ay nagtampok ng mga lutuing handa ni Chef Bryan Salarzon ng Hotel Marriot Manila at ikatlo ang nagtanghal din ang kilalang-kilalang Bayanihan Folk Dance Company.
Si Consul General Wilfredo Cuyugan
Ayon kay Consul General Wilfredo Cuyugan, ang More Flavors of the Philippines na ginanap sa Renaisance Shanghai Yangtze Hotel ay mas maraming elemento na kumakatawan sa tatlong malalaking rehiyon ng Pilipinas.
Ani Cuyugan, "As people we migrate to different areas, we show our culture through food. Ang Filipino food ipinapakita mo diyan yung history natin yung kultura natin. And at the same time because we introduce our culture people get to know us. And the best way is through food. Gusto natin itong people to people contact dahil yung culture natin nakikita nila. And were reviving yung centuries long relations natin. Yun ang pundasyon natin kaya its easy for us to have these successes. We have something in common, very fundamental yung relasyon natin."
Si Michaela "Micky" Fenix
Itinuturing na isang eksperto pagdating sa iba't ibang pagkain at lutuing Pilipino si Michaela "Micky" Fenix. Mula pa dekada 80 ay nagsusulat na siya tungkol sa pagkain. Ilang libro na rin ang kanyang nailathala kabilang ang Country Cooking, Inside the Southeast Asian Kitchen, Kulinarya at marami pang iba. Ang pagdalaw sa Shanghai ay nag-alok ng pagkakataong mas malalim niyang ipaliwanag ang kasaysayan ng pagkaing Pinoy.
Ibinahagi niya ang ilang reaksyon ng mga bisitang nakasalo niya sa pagkain, "Nagugulat sila that we have so many different kinds of food. Sometimes they don't think na every region iba iba ang lasa. Yung maasim (I told them) that's what they like in Bacolod, IloIlo. The kinilaw, yan ang talagang sa atin indegenous yun. Some people akala nila adobo is Spanish because of the name but its Chinese. Kailangan mo malaman a little at a time because you cannot explain everything. Just like our dances look at how different they are. I think that's the one na natutunan nila sa atin, sa culture natin iba iba hindi mo puwede sabihin ito (lang) yon."
Sina Neal M. Oshima (kanan) at Mac Ramos
Sa kauna unahang pagkakataon itinanghal sa Shanghai ang isang Food Photo Exhibit na pinamagatang "Pagkain." Tampok dito ang mga larawan ni Neal Oshima na makikita sa librong Kulinarya. Ang aklat ayon sa multi awarded photographer ay naglalayong bigyan ng mas malalim na kaalaman ang mga dayuhan hinggil sa pagkaing Pinoy.
Pananaw ng batikang photographer "I think the taste of the food is great. It's really one of the tastiest cuisines but the problem is it may not look that great. So part of the challenge of Kulinarya was to figure out ways of presenting food. Right now, Filipino food is one of the hot cuisines. People are curious about it because they know Filipinos are all over the world. They know about adobo, but they don't know about the cuisine."
Dagdag ni Oshima na maraming mga paraan ng pagluluto ang naibahagi ng mga Tsino sa mga Pilipino dala ng kalakalan noong sinaunang panahon. At ang mga ito ay makikita pa hanggang ngayon kaya hindi talaga nalalayo ang dalawang uri ng pagkain."
Adobong Baboy
Sugbang Tambakol
Kinilaw
Inasal na Manok
Ensaladang Talong at Hilaw na Manga
Sa More Flavors of the Philippines ating nalaman ang ilang interesanteng kuntil butil hinggil sa pagkaing Pinoy. Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina at alamin ang mga naibahaging kaalaman ng ating mga eksperto hinggil sa maraming impluwensyang Tsino sa mga pagkain tulad ng adobo.
Hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo para mapakinggan ang buong panayam. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |