Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Flavors of the Philippines sa Ritz Carlton Tianjin

(GMT+08:00) 2014-10-22 17:13:23       CRI

Manga. Ito ang piling sangkap na nagbigay ng kakaibang lasa sa mga putaheng ihinain sa katatapos lang na Flavors of the Philippines sa Tianjin ng Tsina.

Tatlong chef ang lumipad pa mula Pilipinas para lutuin ang piling mga Pinoy dishes. Sila ay walang iba kundi sina Chef Anton Abad, Sous Chef Von Ragudos at Pastry Chef Joseph Tan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lumahok sila sa food festival na taunang itinataguyod ng Pasuguan ng Pilipinas sa iba't ibang lunsod ng Tsina. Mas sinubok ang kakayahan ng tatlong chef dahil wala silang mga dalang sangkap o panimpla galing sa Pilipinas. Ani Chef Anton Abad kanilang in-upgrade ang paraan ng pagluluto ng mga kilalang lutuing Pinoy para sa mga bisitang kakain sa Zest Ritz Carlton.

Ano ang pagpipiliian sa buffet? Adobo, Kare Kare, Kaldereta, Bagnet, Bistek Tagalog, Escabeche, Inihaw na Liempo, Chicken BBQ at Pinakbet.

Para naman sa mga appetizer ginawa ni Sous Chef Von Ragudos mga espesyal na sawsawan para sa nakagawiang mga pampagana tulad ng ang lumpia na gumamit ng mango pinakurat, okoy at itloy na maalat, tokwa't baboy at salmon sinuglaw.

Sa panghimagas naman, ibinida ni Pastry Chef Joseph Tan ang kanyang Mango Soya Cheesecake at Brazo de Mercedes. Ginataang mungo, palitaw, maja blanca, sansrival at sapin sapin. Ayon sa batang pastry chef, marami siyang natutunan lalo na sa kanyang counterpart na taga Ritz Carlton.

Ang Flavors of the Philippines ay bahagi ng adhikain ng Pasuguan ng Pilipinas na patibayin ang bigkis ng pagkakaibigan ng mga Pinoy at Tsino. Ibinahagi ni Von Ragudos ang kanyang damdamin hinggil dito, "Yung pagpunta palang dito na prinomote mo ang pagkain parang dala mo na ang buong Pilipinas. Yun iyong maganda roon na buhat buhat mo pagpunta mo dito. Kailangan ipagmalaki mo kailangan proud ka. Lalabas kami rito na nakataas ang noo."

Masaya naman si Anton Abad sa kanyang naging papel sa isang linggong food festival sa Tianjin. "Hindi mapapalitan ito ng kahit na anong bagay. Once in a life time (invitation) ito sa dami ng chef sa Pilipinas nakapunta kami dito. So malaking karangalan para sa akin at sa aking mga kasama na nandito kami ngayon."

Pakinggan ang buong panayam ni Machelle Ramos sa tatlong chefs na tampok sa Flavors of the Philippines sa Tianjin sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Ito ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng website na ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang Mga Pinoy sa Tsina ay mapapakinggan din sa PODCAST i-download ang Kape at Tsaa. Sa Facebook, maaring i-share ang kwentong ito hanapin at i-like ang page na CRI Filipino Service.

Tokwa't Baboy

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>