|
||||||||
|
||
Iran Punongbayan
|
Abogado si Ian Punongbayan sa Pilipinas. Bukod sa kanyang private practice, siya ay nagtatrabaho bilang legal consultant din. Para palawigin ang kanyang kaalaman sa batas, pinili niya ang kumuha ng graduate studies sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, sa tulong ng isang scholarship mula sa pamahalaan ng Tsina, kinukuha ni Atty. Punongbayan ang Master in Chinese Law sa Peking University. Kung masusunod ang plano, magtatapos siya Hulyo ngayong taon, at iuuwi ang diploma mula sa isa sa pinaka-prestiyosong pamantasan sa Asya.
Pagdalaw ng klase ni Ian Punongbayan sa People's Supreme Court ng Tsina bilang bahagi ng kanilang pag-aaral ng batas sa Peking University.
Sa panayam ni Machelle Ramos, para sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ng abogadong Pinoy, na napakainteresante ng pag-aaral ng Chinese Law. At ang kasalukuyang panahon ani Punongbayan ay masusi dahil sa siryosong kampanya ng pamahalaang Tsino na ipatupad ang "Rule of Law." Dagdag niya, mahalaga ang maigting na pagpapatupad ng mga batas lalo na sa matagumpay na paglaban sa problema ng korupsyon.
Nitong nakaraang taon, napabilang si Ian Punongbayan sa delegasyong Pilipino na inanyayahan ng International Division of the Communist Part of China para dalawin ang ilang lalawigan ng bansa. Ang delegasyon ay binubuo ng mga media at Think Tank Group sa Pilipinas.
Paano nga ba maging isang scholar sa Beijing o sa mga pamantasan sa ibat-ibang lugar ng Tsina? Ibinahagi ni Atty. Punongbayan na may apat na organo ang namamahala rito. Napakarami at napakalawak nang sakop na field of studies o larangan ng pagpapakadalubhasa ang pwedeng pag-aralan ng mga estudyanteng Pinoy. At hindi mahirap ang mag-aplay.
Sa libreng oras, namamasyal din si Ian kasama ng ilang malalapit na kaibigan sa mga "must see places" sa Beijing tulad ng makasaysayang Forbidden City.
Kasamang ipinagdiwang ni Ian Punongbayan ang unang Chinese New Year sa Beijing sina Col. Rwin Pagkalinawan (Police Attache) at Col. Nestor Herico (MIlitary Attache)
Alamin ang kabuuang kwento ng buhay estudyante ni Ian Punongbayan sa Mga Pinoy sa Tsina. Sa inyong computer, suguruhing gumagana ang audio plug-in at buksan ang player sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng iba pang mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |