|
||||||||
|
||
Maria Rhoeda Abraham
|
Maria Rhoeda Abraham
|
Kwento ni Teacher Maria, trabahong pang-opisina ang nakuha niya sa Shenzhen at namalagi siya ng halos dalawang taon doon. Pero 2009 sinubukan niyang humanap ng oportunidad sa Beijing kung saan in-demand ang mga nagtuturo ng wikang Ingles.
Si Teacher Maria Rhoeda Abraham sa tabi ng estatwa ni Confucius na makikita sa loob ng eskwelahan
"Ito na yung biggest challenge ko because I had no background in teaching. Zero, wala talaga akong alam 'yung spoken English ko lang at lakas ng loob," ani Teacher Maria.
Inamin niyang pinili niya ang pagtuturo para di niya masyadong ma-miss ang tatlong anak sa nasa Oman at Pilipinas. At sa unang job interview naging totoo siya, hindi siya nagsinungaling hinggil sa kanyang kakayahan. Paliwanag ni Teacher Maria, "Kasi mahirap iportray yung mga bagay na hindi mo nagawa o ginagawa. So I just tolde her na siguro ito lang ang magiging (bentahe ko) 'yung speaking ability ko and yung experience ko being a mom kung paano ko tinuruan ang tatlong anak ko." Natanggap siya at sa Kindergarten na ito nagturo siya ng dalawang taon. Kasabay nito nagturo rin siya sa isa pang language center.
Para subukin ang kanyang kwalikpikasyon bilang isang guro ng Kinder at patunayan ang galing sa Ingles kahit non-native speaker, sinubukan niyang mag-aaply sa Beijing Royal School. Sabi niya "The more I challenge myself, nandun iyong (drive) na mag step-up ako."
Ang Kindergarten International Class ni Teacher Maria ayon sa kanyang mga kasamahan ay laging masaya at hitik ng mga bagong kaalaman
Matapos ang teaching demo at interview natanggap siya sa Beijing Royal School.
Nang tanungin hinggil kung ano ang tip para mapagtagumpayan ang kawalan ng akmang degree at di-pagiging native speaker, narito ang sagot ni Bb. Abraham, "Unang-una (importante) yung pagmamahal sa trabaho at yung purpose ng trabaho sa iyo. Kung mahal mo ang ginagawa mo kung nage-enjoy ka, kung alam mo kung bakit mo ginagawa iyong isang bagay na iyon, nae-enrich mo ang sarili mo. Pangalawa, huwag maging masyadong pressured dahil non-native speaker. Hindi natatapos sa accent, mas marami akong activities, mas marami akong skills na nai-impart sa mga bata. More than just learning (the language). So sa akin yung basic learning talaga at yung pag-intindi sa mga bata."
Dagdag niya nakikipaglaro siya at ginagawang masaya ang bawat araw sa eskwela habang sinusunod ang learning goals ng eskwelahan. At kanya ring ipinararamdam sa mga bata na sa loob ng classroom nsiya ay para nilang ikalawang ina.
Kasama ni Teacher Maria (pangatlo sa kaliwa) ang mga katrabahong Tsino sa Beijing Royal School na sina (L-R) Mary, Maggie at Lemon (kanan)
Pakinggan ang buong panayam kay Maria Rhoeda Abraham at alamin kung paano pa niya pinagbubuti ang kakayahan sa pagtuturo at ang mga suwerteng dala ng kanyang pamumuhay sa Beijing sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Sa inyong computer, i-klik ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng iba pang mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |