|
||||||||
|
||
Erlinda Pilar
|
Erlinda Pilar video
|
Sa garments industry maraming mga Pilipino ang may kawak ng key positions sa mga sikat na brands sa buong mundo. Malaki ang bentahe ng mga Pilipino dahil noong dekada 80 hanggang dekada 90, booming ang industriyang ito sa bansa. Kaya naman di matatawaran ang kaalaman at kahusayan ng mga Pinoy professionals sa larangang ito.
Sa kaso ni Erlinda "Erlie" Pilar, Garment Technician sa Puma, overseas assignment ang nagdala sa kanya sa Tsina. Shanghai ang naging unang destinasyon at malugod niyang tinanggap ang trabahong ito dahil mahilig siyang magbyahe. Para sa kanya isa itong bagong adventure at marami nanaman siyang bagong madidiskubre.
Si Erlie Pilar
2002 nagsimula ang matatawag na China adventure ni Erlie Pilar. Ang paglalakbay na ito ay di lang sa konteksto ng isang byahera, pero ito'y isang career ride din na magdadala sa kanya sa trabaho ng ikasasaya niya. Mula Shanghai, napuntahan at pansamantalang nanirahan na rin si Erlie sa Shenzhen, Hangzhou at sa Guangzhou. Ang Guangzhou ang kanyang ikalawang tahanan, siyam na taon siyang nanirahan sa lunsod. At noong isang taon, nadestino siya sa Ningbo, Zhejiang Province ng Tsina.
Si Erlinda Pilar at si Mac Ramos
Ani Pilar, ang Tsina ay isang misteryo, bawat lugar ay may naiibang katangian kaya exciting ang pag-ikot sa mga lalawigan nito. Sa kabuuan labing-apat na taon na siyang nagtatrabaho sa Tsina. Isa sa pinakamahalagang natutunan niya rito ay ang pagkakaron ng bukas na isipan at kahandaang tumanggap ng mga bagong ideya mula sa mga taong katrabaho. Para sa kanya walang malaking sikreto kung bakit tumagal siya sa Tsina, kailangan lang daw laging nakangiti sa mga katrabaho. Kapag palangiti ani Pilar, mas madali kang lapitan at mas madaling kausapin.
Alamin kung paano siya mas naging bihasa sa tulong ng kanyang 14 na taong China experience sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |