Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Consul General Julius Caesar Flores: Ugnayang Xiamen-Pilipinas

(GMT+08:00) 2015-11-04 16:48:44       CRI

Isa sa pinakamatandang konsulado ng Pilipinas ang tanggapang nasa Xiamen. Dekada 30 sa panahon ng Commonwealth Government ay bukas na ito para isulong ang ugnayang panlabas sa pagitan ng Pilipinas at Xiamen.

Sina Vera, Machelle Ramos, Consul General Julius Caesar Flores, at Ernest Wang

Panayam ng CRI Serbisyo Filipino

Dinalaw ng team ng Mga Pinoy sa Tsina ang Xiamen para kumustahin ang mga aktibidad ng konsulado na nagsusulong ng relasyong Xiamen at Pilipinas sa pangunguna ni Consul General Julius Ceasar Flores.

Dumalaw kamakailan si  Philippine Consul General Julius Caesar Flores sa Nanchang City, kabisera ng Jiangxi Province, at nakipagtagpo kay Director Huang XiaoYan at Deputy Director Gan Yuhong Nanchang Foreign Affairs Office (FAO).

Ibinahagi ni Consul General Flores na malusog, masigla at patuloy ang pagsulong ng ugnayang ito sa iba't ibang lebel. Aktibo nakikilahok aniya ang Pilipinas sa mga aktibidad na pangkalakalan tulad ng 19th China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) na idinaos nitong Setyembre, aktibidad na pangkultura tulad ng Ika-4 Nanyang Culture Festival, at ang pagsusulong ng sister cities. Sa kasalukuyan partner cities ang Xiamen at Cebu at ipinagdiwang kamakailan ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Kabilang sa mga plano sa nalalapit na hinaharap ang pagtatatag ng sister city partnership ng Nanchang at Pilipinas.

Parul Sampernandu

Naibida rin ConGen Flores and pamosong Parul Sampernandu nitong nakaraang pasko sa Xiamen. Ang higanteng parol ay nasilayan ng mga taga-Xiamen nang itanghal ito sa Garden Expo Park sa Jimei District. Dahil art lover, ipinakikilala rin niya ang obra ng ilang mga Pilipino pintor sa mga art fairs ng lunsod.

Mga kasapi ng Filipino Community sa Xiamen na umawit para sa mga matatandang nasa Xiamen Xiahui Hospice

Aktibo at nakikisangkot ang komunidad ng mga Pilipino sa Xiamen. Sa katunayan nagsagawa ang mga Pinoy dito kasama ang konsulado ng charity events tulad ng pagdalaw sa mga matatanda sa Xiamen Hiahui Hospice. Gaya ng ibang mga komunidad ng mga Pinoy sa ibang lunsod ng Tsina, taunang ginaganap ang mga pagtitipon tuwing Araw ng Kalayaan at Pasko.

Masigla at malusog ang ugnayang Sino-Pilipino sa Fujian province.  Ang larawan ay kuha sa Philippine Consulate General sa Xiamen kung saan nakipagtagpo  ang opisyal ng  Fujian Provincial People's Government's Foreign Affairs Office (FAO) na si Deputy Director General Hu Chang Chun kay Consul General Julius Caesar A. Flores

Ilang taon na ang nakalilipas nang bitayin ang isang Pilipino bunsod ng kaso sa droga, ayon kay Flores ngayon sa kanyang saklaw ng mga lalawigan ay wala nang Pinoy sa death row pero may mga nakakulong pa sa kasalukuyan.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Consul General Julius Ceasar Flores hinggil sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Xiamen sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>