|
||||||||
|
||
Saceda Youth Lead (Episode I)
|
Dumalaw sa himpilan ng China Radio International sa Beijing ang delegasyong Saceda Youth Lead (SYL) – isang youth serving institution na naka base sa Dumaguete. Ang delegasyon ay may limampung miyembro na kinabibilangan ng mga mag-aaral, guro at kinatawan ng sektor ng edukasyon mula sa rehiyong Visayas at Mindanao. Ang pagdalaw sa Beijing ay bahagi ng SIPA o Saceda International Program in Asia.
Delegasyon ng Saceda Youth Lead habang nasa Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI
1999 itinatag ang SYL at hangad nitong bigyang kapangyarihan ang mga kabataan at guro na maging kapakipakinabang na mga mamamayan ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa larangan ng leadership, community service at educational exchange.
Ayon kay Rechanel Gallano, Managing Officer ng SYL hindi ito ang unang dalaw ng SYL sa Beijing. Aniya " We were here two years ago and we had a very good interaction as well. We have seen the importance of people to people exchange in China. We were (encouraged) by Ambassador Erlinda Basilio to continue bringing in students to expose and help establish very good relations with the Chinese. Gusto rin namin i-expose ang mga kabataan kung ano ang Chinese community. Kasi in the Philippine because of the dispute hindi maganda ang larawan ng relasyon between China and the Philippines."
Sa loob ng studio ng CRI Filipino Service, habang kinakapanayam ni Mac Ramos ang mga miyembro ng Saceda Youth Lead.
Si Julia Garcia ay estudyante ng University of San Carlos Cebu. At bilang isang Political Science Major kailangang bukas ang kanyang isipan at alamin ang dalawang panig sa bawat usapin. Ani ng sophomore, "Coming here to China we were given a new perspective and see the side of China, that the government wants the best for its people."
Ayon naman kay Nikko Ederio, Head ng Student Affairs sa St. Paul University Surigao kailangan ng dalawang panig ang paguunawaan. "I realized what the both sides need is understanding and education on what the issue really is all about. Real information on what really is happening."
(L-R) Sina Rechanel Gallano, Dr. Eugene Calingacion, Mac Ramos, Nikko Ederio, at Julia Garcia
Sa pananaw ni Dr. Eugene Calingacion, Assistant Dean ng College of Education-Negros Oriental State University malaki ang maitutulong ng kanyang pagdalaw sa Tsina sa apekto ng teacher training. Sinabi niya, "Since we are going global it's very important for us, in teacher training institutions to really come up with the perspectives of these global countries. Because when we talk about global countries it's about powerful countries iand China is one. I want to know the curriculum of China. I want to know how China did the Senior High School Program so when we implement it we can somehow copy from them and eventually grow from our experiences here."
Bukod sa kasalukuyang lagay ng relasyon ng dalawang bansa, napagkwentuhan din ang paggamit ng social media, kaunlaran ng Tsina at ang kanilang mga kuro-kuro sa naging interaksyon sa Peking University. Pakinggan ang buong interbyu ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |