|
||||||||
|
||
fil
|
MPST
|
Ayon sa pinakahuling estadistika ng World Tourism Organization, noong 2015, 1.2 bilyong turista ang naglakbay sa buong mundo. At ang bilang na ito ay lumaki ng 4.4% kumpara noong 2014.
Ipinakikita rin ng estadistika na ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa daigdig. Ang mga bansang Asya-Pasipiko, Amerika at iba't ibang bansang Europeo ang kanilang pangunahing destinasyon.
Kada taon sa Malaysia 1.3 million ang Chinese tourists na nagbabakasyon. Samantalang sa Indonesia, target ng Ministri ng Turismo na paabutin ang bilang ng mga turistang Tsino sa 2.1 milyon sa taong 2016. Mataas rin ang bilang ng tourist arrivals ng Cambodia nitong 2015 na nagtala ng 800,000 turistang Tsino.
Ayon kay Niel Ballesteros, Officer-In-Charge ng Department of Tourism (DoT)-Beijing Office, batay sa hindi opisyal na bilang, umabot na sa 458,358 turistang Tsino ang naitalang bumisita sa Pilipinas noong 2015. Target para sa taong 2016 ay itaas ang bilang na ito sa 600.000. Kung ihahambing sa mga karatig bansa sa timog silangang Asya, malaki pa ang bilang na hahabulin. Kaya puspusan ang kampanya ng Department of Tourism para mas makaakit ng mga turistang Tsino sa Pilipinas sa kabila ng travel ban bunsod ng alitan sa karagatan at negatibong ulat mula sa media.
Bahagi ng promotional activities ng DoT- Beijing ang Year-end Appreciationa Dinner na ginanap sa China World Hotel kamakalian. Dumalo dito ang tour operators, travel agencies, kinatawan ng mga airlines at ilang tauhan mula sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing.
Inilahad ni Genesis Renos, Tourism Officer ang buod ng Visit the Philippines Again Campaign para sa taong 2016. Tampok dito ang mga destinasyon sa Maynila, Cebu, Bohol at Palawan. Napanood din ng mga bisita ang music video ni Apl.de.ap na Its More Fun in the Philippines.
Katuwang ng DOT Beijing ang mga tour operators at travel agencies sa hangaring nitong mas makilala at piliin ng mga Tsino ang Pilipinas bilang kanilang destinasyon para magbakasyon.
Si Zhao Lina ay Operator ng Grand Vision, isang travel agency na may branches sa Beijing, Shanghai at Guangzhou. Aniya sa kasalukuyan Boracay ang pinakapaboritong destinasyon ng mga Tsino sa Pilipinas. Pero hangad niya na mas maraming turista mula sa Tsina ang makapasyal sa Cebu, Bohol at Dumaguete. Dagdag niya malinis at di pa gaanong komersyal ang Dumaguete kaya maeenjoy nang lubos ang ganda ng kalikasan. Pahayag ni Zhao na ang isyu ng seguridad ang pangunahing ikinababahala ng mga Tsino sa Pilipinas.
Si ZHAO Lina
Alok ng Century Tours, kumpanya ni Lily Xu, ang Philippine Airlines Beijing-Kalibo direct flights na lumilipad dalawang beses kada linggo. Aniya kailangang mas ipaalam sa publikong Tsino ang kaibhan ng serbisyo ng high end at quality flights sa mga destinasyong panturista. Madalas daw kasi na ang unang tinitingnan ng turistang Tsino ay ang murang tiket ng chartered flights at di na pansin ang kalidad ng serbisyo ng regular flights. Para mas sumigla ang turismo sa Pilipinas, mungkahi ni Xu na damihan pa ang road show, paglabas sa TV at radyo at pagpopromote online ng DOT dito sa Tsina.
Si Lily XU
Hinggil sa pagkuha ni visa, ani Denny Wang, radio personality at host ng online video show na napakadali ng pagkuha ng visa sa Pilipinas, kailangan lang kumpletuhin ang mga dokumento at siguruhing ipakopya ang mga ito bago pumunta sa Philippine Embassy.
Si Denny WANG
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa mga personaheng kabilang sa tourism sector ng Tsina, maging ang buong pahayag ni Ginoong Niel Ballesteros sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |