|
||||||||
|
||
MPST160323Angeline.mp3
|
\
Si Angeline Reyes
Di man gaano karamdam ang semana santa sa Beijing, para sa mga Katoliko – dayuhan man o Tsino – sa mga katedral ng Beijing may mga aktibidad na isinasagawa para taimtim na idaos ang panahong ito.
Ang episode ngayong Miyerkules Santo ay magtatampok kay Angeline Reyes. Si Angel ay halos 10 taon nang naninirahan dito sa Beijing. Pamilyar siya sa mga Katoliko na nagsisimba sa South Cathedral dahil regular nilang nakikita si Angel bilang lector at commentator sa English mass tuwing Linggo ng hapon.
Debotong Katoliko ang pamilya ni Angel. Sa murang edad talagang aktibo na siya sa mga gawaing simbahan. Kaya nang magtrabaho sa Beijing di nakapagtatakang ituloy niya ang paglilingkod. Aniya malaking bahagi ito ng kanyang buhay talagang pinaglalaanan niya ng panahon.
Sa Tsina, nakasalamuha niya ang mga taong iba ang pananampalataya at marami rin sa kanila ang walang paniniwala sa Diyos. Pero ang mahalaga anumang spiritual na pangangailangan ay natutugunan ng kanyang Catholic Community sa South Cathedral.
Maraming mga OFW ang nakararamdam ng lungkot at diskuntento. Hinggil dito ibinahagi ni Angel sa panayam ang isang kwento. Ano ito? Pakinggan ang Mga Pinoy sa Tsina at ang panayam ni Mac Ramos para alamin kung paano isinasabuhay ni Angel Reyes ang mga aral ng Simbahang Katoliko.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |