|
||||||||
|
||
160128mpsttapos.mp3
|
Maraming genre ng musika. Napakinggan niyo na ba ang New Orleans Jazz o kaya ang Dixie style na tugtugan? Sa Zhuhai isang banda ang nagpapasikat sa ganitong klase ng musika. Sila ay walang iba kundi ang Big Band Theory.
Si Floyd Ricafrente ang lider ng grupo. Walong Pilipino ang miyembro ng Big Band Theory lahat ay may propesyunal na training sa musika at ibinabahabagi ang talento sa horn, string at percussion sections ng banda. Kakaiba ang istilo kaya kakaibang uri ng "ingay" sa bar scene ng Zhuhai ang likha ng Big Band Theory.
Sa kasalukuyan may walong sariling komposisyon na ang banda. Isa na rito ang instrumental na kantang pinamagatang "One." Ani Floyd Ricafrente pinakamahirap na parte ng songwriting ang paggawa ng lyrics. Isa sa kanyang mga komposisyon ay hango sa sariling pinagdaanan. Ang "Is This What You Really Want From Me?" ay kantang base sa usapang kasalan at ang opinyon hinggil dito ng kanyang nobya.
Plano sa hinaharap ng Big Band Theory frontman na bumuo ng isang album. Mahigpit ang schedule sa kanilang day job kaya dahan-dahan lang at matutupad din ang pangarap na ito.
Payo ni Floyd Ricafrente sa mga taong may passion sa musika, wag bibitaw, tuloy lang at abutin ang pinakamataas na mithiin.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Floyd Ricafrente at pakinggan din ang kantang "One" sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |