|
||||||||
|
||
Jensen Moreno 4th Solo Exhibition sa Beijing
|
Sa News Plaza, Beijing itinanghal ni Jensen Moreno ang kanyang 4th Solo Painting Exhibition. Ang Masterpieces ay nagtampok ng mga portraits ng ilang mga taong malapit sa kanyang puso at impluwensyal sa kanyang buhay. Ang Masterpieces art exhibit ay nagpapakita ng pagyabong ng kanyang sining dito sa Beijing.
Si Jensen Moreno
Bukod sa art exhibit, inilunsad din ang kanyang kauna-unahang libro na Masterpieces, naglalaman ng piling obra at ang kwento sa likod ng mga imaheng kanyang ipininta habang nasa Pilipinas, Vietnam at Beijing.
Si Charge D'Affaires Elizabeth Te (ikalawa sa kaliwa) at Minister Rhen Rodriguez (ikatlo mula kanan) kasama ng iba pang opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing na dumalo sa pagbubukas ng exhibition. Makikita sa larawan ang portrait ni Ambassador Erlina Basilio na ipininta ni Jensen Moreno.
Dumalo sa pagbubukas ng exhibition ang mga opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas na pinamunuan ni Charge d'Affaires Elizabeth Te. Inanyayahan din ang ilang piling panauhin mula sa art circle ng Beijing at mga kababayan sa Filipino Community.
Si Jensen Moreno kasama si Echo Du na tagapagsalin ng kanyang unang librong Masterpieces sa wikang Tsino.
Binati ni Charge d'Affaires Elizabeth Te ang malikhaing paglalahad ni Jensen Moreno ng mga damdamin ng iba't ibang personalidad sa kanyang canvas. Ipinayag din ni Mdm. Te ang pasasalamat sa mga organong Tsino na sumusuporta sa Filipino artists at umaasa siyang magpapatuloy ang pagtataguyod nito sa hinagarap.
Ang solo exhibition ni Jensen Moreno ay inorganisa ng Beijing Chamber of Commerce for Cultural Industries, Beijing Oriental Maya Intl Exhibition at Beijing Cuanshe Taste Cultural Communication.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |