|
||||||||
|
||
ALC Tea Party
|
ASEAN Ladies Circle Tea Party
|
Isa sa mga regular na aktibidad ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang ASEAN Ladies Tea Party. Minsan sa isang buwan ginaganap ang pagtitipon-tipon ang mga kababaihang diplomata na nakatalaga sa mga pasuguan ng mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations. Ito'y masayang paraan para magbahaginan ng mga bagay tungkol sa kultura at turismo, at syempre hindi mawawala ang pagsasalu-salo ng masarap na pagkaing Pinoy.
"Philippine Visual Arts at Its Best" -- tema ng pagtitipon ng ALC
Nangunguna sa pagdiriwang na ito si Ambassador Erlinda F. Basilio at ipinagmalaki ng sining biswal ng Pilipinas. Ayon sa diplomata ito ay mayaman sa kasaysayan at kasalukuyang masigla at patuloy ang paglago sa tulong mga komunidad ng mga alagad ng sining na Pilipino.
Si Peter Espina (kaliwa), Artistic Director ng Global Times at si Jensen Moreno (kanan), Visual Artist at Guro sa Beijing International Bilingual Academy
Inanyayahan ng Pasuguan sina Peter Espina, Artistic Director ng Global Times at si Jensen Moreno, Visual Artist at Guro sa Beijing International Bilingual Academy. Ito ang unang pagkakataon ng dalawang artists na maging bahagi ng aktibidad na pansining ng pasuguan. Sa hapong ito sina Peter at Jensen ay naging Cultural Ambassadors. Lubos na ikinagalak ito ni Peter Espina dahil mula dumating sa Tsina noong 2003 ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging bahagi ng ganitong aktibidad.
Hindi naman bago para kay Jensen Moreno ang pagsali sa katulad na event dahil sa Vietnam kung saan siya dating nagtuturo bago pumunta ng Tsina, ay nakapag lunsad na siya ng ilang mga exhibit para isulong ang sining Pinoy.
Nahirang bilang best art work ang iginuhit na mga bulaklak ni Devie Iswara ng Pasuguan ng Indonesia.
Napukaw ang pagkamasining ng mga diplomatang bisita. Tila mga paslit, bakas sa kanilang mga mukha ang saya habang nagdro-drowing.
Alamin ang kanilang mga damdamin hinggil sa aktibidad na ito sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |