|
||||||||
|
||
MPST20151028.mp4
|
20151028mpst.mp3
|
Si Jensen Moreno ay isang guro ng sining. Walong taon na siyang nagtatrabaho sa propesyong ito. Bilang isang artist, sa edad na pitong taon ipinakita niya ang talento sa pagpipinta. Hanggang ngayon patuloy niyang pinagsasabay ang dalawang bagay na pinakalapit sa puso niya. Hindi niya pwedeng bitiwan ang pagtuturo at lalong hindi niya pwedeng itigil ang pagpipinta.
Sa katatapos na 2015 Beijing International Art Fair, di inaasahan ni Jensen Moreno na mapili bilang kinatawan ng Pilipinas. Itinanghal sa eksibisyon ang kanyang mga obra – mga portrait ng mga taong hinahangaan at inspirasyon niya mula sa Pilipinas, Vietnam at Tsina.
Hindi bago para kay Jensen Moreno ang maging bahagi ng mga aktibidad na pansining ng Philippine Embassy. Habang nasa Vietnam kung saan siya ay dating guro, aktibo siyang lumahok at naging tagapag-organisa ng mga eksibit ng mga artists na Pinoy at Biyetnames.
Pagdating sa Beijing, walang pag-aalinlangan. Muli niyang ibinahagi ang talino sa sining at ibinida ang natatanging talento ng mga Pilipino pagdating sa sining biswal. Dahil dito pwedeng sabihing siya ay isang "cultural ambassador."
Ayon kay Moreno, masaya ang buhay niya sa Beijing at lahat ng kanyang mga pangarap ay unti-unting natutupad di lamang mga pangarap sa kanyang profession bilang guro sa Beijing International Bilingual Academy, kundi mga hangarain din sa kanyang passion bilang visual artist at designer sa Tsina.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Jensen Moreno sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Jensen Moreno(kanan) kasama sina Ambassador Erlinda F Basilio ng Pilipinas(gitna) at Abdenor Khelifi, Embassy (kaliwa)
Si Jensen Moreno, nagtuturo
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |