Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rolie Gabriel Pengson: Nagtanghal para sa mga World Leaders

(GMT+08:00) 2017-06-09 16:19:41       CRI

Sa nakaraang Belt and Road Forum for International Cooperation evening gala kasama sa mga nagtanghal si Rolie Gabriel Pengson. Si Gabby ay 10 years old at Grade 4 sa Fengcaodi Primary School sa Beijing. Hindi ito ang first time na nagperform si Gabby para sa mga world leaders. Dahil may ilang pagkakataon na ring siya ang kiddie representative ng Pilipinas sa mga malaki at mahalagang international events na ginanap sa Beijing kamakailan. Aniya sobrang proud siyang mapili sa mga okasyon gaya ng Belt and Road Forum at APEC. Dalawang pangulo na rin ang nakita niyang malapitan, si Pnoy at si Tatay Digong. Dahil sa maagang pagka exposed sa international events at madalas na pagrepresenta sa Pilipinas, tinanong ng CRI Filipino Service kung balak ba niyang maging diplomat o ambassador balang araw. Ang sagot ni Gabby ay mapapakinggan sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Gabby Pengson (kanan) habang nagtatanghal sa Belt and Road Forum for International Cooperation evening gala.

Kabilang sina Pangulong Xi Jinping at Panguling Vladimir Putin na mga nanood ng evening gala kung saan nagtanghal ang mga mag-aaral ng Fengcaodi School International Department.

 

Mga batang umawit ng "Song and Smile" sa evening gala ng Belt and Road Forum for International Cooperation.

Si Gabby Pengson sa isang international cultural festival sa Fengcaodi Primary School.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>