|
||||||||
|
||
MPST
|
Nahirapan si Perlita Pengson na makakuha ng slot sa mga local learning centers ng Beijing para sa kanyang ikalawang anak na nasa elementarya. Para hasain ang kakayahan sa wikang Ingles ng bata nagdesisyon siyang personal na turan ang bata.
Dahil sa word of mouth, nahikayat din ang ibang mga ina na nasa katulad na sitwasyon na isali ang kanilang mga anak sa kanyang home-based sessions.
Di inaasahan dumami ang mga estudyante kaya minabuti ni Gng. Pengson, kasama ng kanyang business partner na Malaysian na buksan ang R3 Discovery.
Ang dating affice worker na 20 taon nang naninirahan sa Tsina, ngayon ay full-time entrepreneur-teacher na.
Isang taon nang bukas ang operations ng R3 Discovery. Meron itong day-care center at after school program para sa mga bata.
Pakinggan ang interview ni Mac Ramos kay Perlita Pengson at alamin ang kanyang business principles at teaching mantras sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Makikita sa Funwork ang R3 Discovery nasa Chaoyang District ng Beijing.
Si Perlita Pengson sa harap ng R3 Discovery kung saan nagtuturo siya ng Ingles at iba pang mga leksyon.
Mga estudyanteng naka-enrol sa R3 Discovery na masayang kumukuha ng leksyon sa wikang Ingles.
Kasalukuyang kumukuha si Perlita Pengson ng kurso sa pagtuturo at early childhood development upang pagyamanin pa ang kanilang kaalaman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |