Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Honed in Tradition: Philippine Weaves, itinanghal sa Peking University

(GMT+08:00) 2017-11-02 18:13:19       CRI

Itinatanghal kamakailan ang "Honed in Tradition: Philippine Weaves" sa School of Foreign Languages ng Peking University. Ang aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng Pasuguan ng Pilipinas at Peking University (PKU) Philippine Studies Program.

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, Prof. Li Shujing, Kalihim ng Komite ng Partido ng School of Foreign Languages ng PKU.

Grupo photo ng mga kalahok sa seremonya ng pagbubukas ng eksibit

Dumalo rin sina Consul Kay Kalaw-Ado at Joan Pichay ng Pasuguan ng Pilipinas, Prof. Wu Jiewei, Pangalawang Dekano ng School of Foreign Languages ng PKU, Dr. Shi Yang, Direktor ng PKU Philippine Studies Program, Dr. Huang Yi, Guro ng PKU Philippine Studies Program at Dr. Huo Ran, Guro ng Filipino Section, School of Asian and African Studies ng Beijing Foreign Studies University.

Ga'dang

Sa kanyang mensaheng panalubong sa pagbubukas ng eksibit sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na itinatampok ng eksibisyon ang likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino at kung paano nila ipinamamalas ang mga kaugalian sa pamamagitan ng kanilang pang-araw araw na kasuotan.

T'nalak

Ibinahagi rin ng sugong Pilipino sa eksklusibong panayam ng CRI Serbisyo Filipino, na inaasahan niyang maaaring matutunan ng mga estudyante at guro sa pamantasan ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Yakan textile

Pinya Cloth

Dagdag niya, "Hangad din ng eksibit na magkaroon sila ng pagnanais na bumisita sa Pilipinas at makita mismo ang ating kultura doon at lalo nilang maintindihan itong tradisyon na ito."

Sina Prof. Li Shujing (kaliwa), Kalihim ng Komite ng Partido ng School of Foreign Languages ng Peking University (PKU) at Jose Santiago Sta. Romana (kanan), Sugo ng Pilipinas sa Tsina

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Prof. Li Shujing, Kalihim ng Komite ng Partido ng School of Foreign Languages ng Peking University (PKU) na mahaba ang kasaysayan ng pagpapalitan at pagtutulungan ng PKU at ng Pasuguan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng Philippine Studies Program, aniya, nagkakaroon ang mga Tsino ng mas mabuti at malalim na kaalaman hinggil sa Pilipinas. At inaasahan niya ang pagkakaroon ng mas maraming aktibidad na pang-kultura sa pagitan ng dalawang panig sa hinaharap.

Si Guo Chencen

Si Yu Yi

Dumalo sa pagbubukas ng eksibisyon ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng Philippine Studies Program ng PKU. Sinabi ni Guo Chencen, "Napakaganda ng eksibit, nalaman ko ang kasaysayan ng paghahabi sa Pilipinas. Nakita ko rin ang maraming uri ng tela at sa tingin ko pinakamaganda ang Habing Ilocos dahil ito ay madaling isuot."Samantala, namangha naman si Yu Yi sa nakitang barong na suot ng kanyang guro at kakaiba sa paningin ang tela na mula sa hibla ng pinya. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais niyang subukang isuot ang damit.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>