Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Investment Promotion Conference sa 15th China ASEAN EXPO

(GMT+08:00) 2018-10-25 17:48:50       CRI


Sa nakaraang 15th China ASEAN Expo na ginanap sa Nanning, Guangxi itinatampok ang lalawigan ng Tarlac bilang City of Charm.

Mga opisyal ng Pilipinas at Tsina na kalahok sa Philippine Promotion Conference ng ika-15 CAEXPO

Bilang bahagi ng delagasyong Pilipino na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry-Center for International Trade and Expositions (DRI-CITEM), ipinakilala ni Tarlac Governor Susan Yap ang mga umuunlad na industriya, pagkakataon para sa pamumuhunan at sektor ng turismo sa potential Chinese investors and businessmen.

Si Governor Susan Yap ng Lalawigang Tarlac

Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino nitong Setyembre 13, 2018 sa Philippine Promotion Conference, sinabi ni Governor Susan Yap gusto niyang ipakilala ang New Clark City. Ayon sa plano ito ay gagawing isang well-planned community at isang hub. Dagdag niya ang New Clark City ang magiging host ng 2019 Southeast Asian Games.

Si Sec. Raul L. Lambino, Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA)

Samantala, 7 investment promotion agencies ng Pilipinas ang lumahok sa Philippine Investment Promotion Conference na ginanap sa 15th China ASEAN EXPO ngayong taon. Hangad nilang masulit ang nasabing plataporma upang madagdagan ang pamumuhunan ng mga Tsino sa Pilipinas. Ibinahagi ni Sec. Raul L. Lambino, Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang makulay na kasaysayan ng ugnayang Sino-Pilipino na nagsimula sa panahon ni Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming ng Tsina at ang direksyong tinatahak nito sa panahon ng Belt and Road Initiative ngayong 2018.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>