|
||||||||
|
||
Tarlac, City of Charm ng Pilipinas sa Ika-15 CAEXPO
Nanning, Guangxi ng Tsina--Itinatampok ang lalawigan ng Tarlac bilang City of Charm ng Pilipinas sa Ika-15 China-ASEAN Expo (CAEXPO).
Bilang bahagi ng delagasyong Pilipino na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry- Center for International Trade and Expositions (DTI-CITEM), ang provincial government ng Tarlac ay nagtatampok ng mga umuunlad na industriya, pagkakataon para sa pamumuhunan at sektor ng turismo. Makikita rin sa pavilion ng City of Charm ang mayamang kultura ng Tarlac.
Governor Susan Yap ng Tarlac
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino nitong Setyembre 13, 2018 sa Philippine Promotion Conference, sinabi ni Governor Susan Yap na gusto niyang ipakilala ang New Clark City. Ayon sa plano ito ay gagawing isang well-planned community at isang hub. Dagdag niya, ang New Clark City ang magiging host ng 2019 Southeast Asian Games.
Lugar para sa Tarlac sa loob ng pavilion ng City of Charm
Hinggil sa CAEXPO, sinabi niyang ito ay isang magandang "avenue" at hindi dapat makalimutang may ilang libong taong kasaysayan ang ugnayan sa kalakalan ng Pilipinas at Tsina. Napapanahon na muling pasiglahin ang ugnayan ng bansa sa itinituturing bilang "big brother in the east" walang iba kundi ang Tsina. Isang napakagandang plataporma ang CAEXPO para ipakilala ang Tarlac, aniya pa.
Mga eksibit ng Tarlac
Hinggil sa isyu ng peace and security lalo na para sa dayuhang nais niyang himuking mamuhunan o mamasyal sa Tarlac, siniguro niya ang kaligtasan ng lalawigan dahil insurgent-free ito sa loob ng maraming taon.
Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
Web-edit: Frank/Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |