Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China-ASEAN Expo, importanteng plataporma para sa negosyanteng Pilipino

(GMT+08:00) 2018-09-15 17:15:27       CRI

Nanning, Guangxi--Ipinahayag ni Consul General Marshall Louis Alferez ng Philippine Consulate General sa Guangzhou, ang China ASEAN Expo (CAEXPO) ay isang importanteng plataporma para masubukan ng mga negosyanteng Pilipino ang kanilang mga produkto at makita ang reaksyon ng merkado sa Tsina.

Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino noong Setyembre 13, 2018, sinabi niyang minabuti ng gobyerno ng Pilipinas na bawat taon ay palakahin ng palakahin ang partisipasyon ng mga Pilipinong negosyante. Masaya siyang ngayon taon malaki ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng 72 negosyante mula sa iba't ibang lalawigan ng Pilipinas. Sa unang pagkakataon at may sariling hall ang Pilipinas sa Nanning International Convention and Exhibition Center. Magandang pagkakataon ang CAEXPO aniya pa, para makita ng publiko ng Tsina kung ano ang pwedeng ialok ng Pilipinong negosyante sa kanila.

Pahayag pa ni ConGen Alferez na pangatlong dalaw na niya ngayong taon sa Nanning. At sa bawat pagdalaw ay namamangha siya sa pag-unlad ng syudad. Ibinahagi rin niyang bukod sa malaking delegasyong Pilipino na sumali sa Ika-15 CAEXPO, nauna nang dumalaw sa lunsod si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa China-ASEAN Mayor's Forum. Naging mabunga ang pagtatagpo ng mga delegasyon ng 20 alkalde mula sa Pilipinas sa kanilang counterpart na Tsino. Maganda rin ang resulta ng pagpupulong ng delegasyong Pilipino sa mga kinatawan ng China Entrepreneurs Club. Inaasahan ni Alferez ang patuloy na pagsigla ng ugnayang Sino-Pilipino sa hinaharap.

Kabilang sa mga lalawigang nasa ilalim ng hurisdikyon ng Philippine Consulate General in Guangzhou ang Guangdong, Hunan, Hainan at Guangxi.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
Web-edit: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>