Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PhilCham Shanghai, isusulong ang Pinoy entrepreneurial spirit

(GMT+08:00) 2019-01-25 18:18:52       CRI

Idinaos sa Shanghai nitong Enero 19 ang inaugural event ng Philippine Chamber of Business and Professionals–Shanghai o PhilCham Shanghai.

Mga dumalo sa launching event ng PhilCham Shanghai

Kasapi sa grupo ang mga Pilipinong negosyante, expat, professionals at entrepreneurs sa Shanghai. Sa temang Bridging Businesses, Capitalizing Growth, inanyayahan ng founders sa inagural event ng PhilCham ang mga eksperto upang maglahad ng kaalaman, karanasan at inspirasyon sa mga taong nais na magtagumpay sa negosyo.

Ang working committee ng PhilCham Shanghai, mula kaliwa: Michelle Nocom (founder), Eric So (founding member), Raquel So (founding member), Carol Ong (founder), Jun Gonzales (founding member), Geoff Lim (founding member), Joe Santiago (founder)

Sinabi ni Carol Ong, found ng PhilCham, hindi basta basta ang pagbuo ng ganitong grupo. Pero ayon kay Michelle Nocom founder ng PhilCham naisakatuparan ito dahil sa komon nilang pananaw at adhikain. Saad niya nais nilang isulong ang growth mindset sa mga kababayang nasa Shanghai. At mas pagandahin pa ang maganda nang impression ng mga Tsino sa mga Pilipino.

Binanggit ni Carol Ong sa kanyang welcome remarks ang 3 katanungan na nais bigyang tugon ng unang event ng PhilCham. Ang una ay: Saan maaring maglagak ng puhunan? Ikalawa: Paano makakukuha ng puhunan. At ang ikatlo: Sino ang mga taong maaring maging halimbawa at pagkunan ng inspirasyon?

Si Robert Vicencio

Para sa ikatlong tanong ibinahagi ni Robert Vicencio, star ng Ms. Saigon, kilalang media personality at iginagalang na entertainment industry professional sa Tsina ang kanyang pananaw hinggil sa pagkamit ng tagumpay. Aniya kailangan ang pagkabigo upang magtagumpay. Ang failure o pagkabigo ang pillar ng tagumpay dahil dito nagmumula ang experience, resilience at strength.

Si Consul Mario Tani

Katuwang ng PhilCham ang Philippine Trade and Investment Center sa Shanghai. Sa event ibinahagi ni Consul Mario Tani ang magandang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, na ayon sa datos ng 2018, ang bansa ay ikatlong fastest growing economy in East Asia. Ibinahagi rin niya ang mga industriya o sektor na magandang paglagakan ng puhunan gaya real estate, transport, payment at online retail.

Si Chris Lim

Hindi madali ang magsimula ng negosyo at ibinahagi ni Chris Lim, Director for ASEAN, ng Philippine Franchise Association ang ilang mahahalagang tips gaya ng Think big. Start small. Grow fast. Dagdag niya ang franchising ay isang mabisang paraan upang mapalago ang negosyo. Handa ang kanyang tanggapan upang bigyang tulong ang mga Pinoy na nais magsimula ng kanilang franchising business.


1  2  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>