|
||||||||
|
||
Narito naman ang mga reaksyon ng ilang Pinoy na dumalo sa event.
Si Edison Bonjibod
Ani Edison Bonjibod na mula sa isang semiconductor firm sa Shanghai, "Magandang event ito especially if you're aspiring to be an entrepreneur. Knowing what sector will be the next big thing, not only in the Philippines but in ASEAN and in other booming economies." Nakatulong aniya pa ang impormasyon hinggil sa mga negosyo centers, pagkuha ng mentors at kung paano makikipag usap sa mga venture capitalists. Ang mga payo saad niya ay maipapasa sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya.
Si Herbert Recato
Si Herbert Recato ay isang landscape designer. Madami ng napakinggang mentors at coach si Herbie hinggil sa pagnenegosyo. Pero tumatak sa kanya ang advice na "Start small but dream big and look at the long term." Ganito ang gusto niyang gawin at ito rin ang diskarte aniya sa pagpasok sa paper assets at real estate.
Si Scott Si
Hinggil naman sa hangaring gawing isang brand ang Filipino bilang mga magagaling na negosyante, sinabi ni Scott Si ng HSBC "That's a noble aim. I think the Filipino brand is underrated because when people get to know Filipinos better, they start to realize oh this is not what i thought the Philippines was. This is not what I read in the news. So we need to get that brand more exposed. Thats what Filipinos deserve."
Pakinggan ang kabuuan ng mga panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.
Pagwawasto (Erratum): Sa programa, ang tamang pangalan na dapat binanggit ay Robert Vicencio. At ang tamang URL ay www.philcham.org. Kami ay humihingi ng paumanhin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |