|
||||||||
|
||
Michelle Nocom
|
Higit isang taon na mula ng ipinakilala ni Michelle Nocom ang Kitivity sa China market. Ang Kitivity ay kanyang nilikha dahil bilang isang mommy, aniya hindi niya alam kung paano makipaglaro sa kanyang noon ay 2 1/2 taong anak na babae.
Si Michelle Nocom
Sa tulong ng Kitivity, ang mga magulang at kanilang mga anak ay maaring magkaroon ng malikhain at masayang paraan ng paglalaro.
Saad ng mompreneur na si Michelle, "It will spark creativity. The kits are tools for parents and kids to interact."
Busy Bugs Kit. Ito ay may 15 items para libangin ang mga bata. Nakatuon ang kit sa pagsasanay ng fine motor skills, color sorting, hand grip coordination, igniting imagination at pretend play.
Sa kasalukuyan dalawang kits ang mabibili sa Taobao store ng Kitivity. Ang On The Go Kit upang libanging ang mga bata habang nasa byahe. At ang Busy Bugs Kit para pampatalas ng isip at panghasa sa senses at motor skills ng mga bata.
Monster On The Go Kit. Kasama sa kit ang mga monster puppets, water color book at paint brush, activity book, pangkulay at monster sticky notes. Ilalabas ang produkto sa Marso, 2019.
Bukod sa Kitivity, napagkwentuhan din nina Mac Ramos at Michelle Nocom ang kaniyang mga karanasan bilang trainor at human resource professional ng hospitality industry sa Tsina sa loob ng halos 20 taon.
Pamilya ni Michelle Nocom-Wolters.
Pakinggan ang buong interview sa audio link sa gawing itaas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |