|
||||||||
|
||
Robert Vicencio: Pagkilala sa kabiguan bago marating ang tagumpay
|
Ang PHANTACITY ang pinakamahal na reality TV show sa Tsina para sa taong 2018. Ito ay isang produksyon ng Hunan TV. Kabilang sa season 1 production ng programa, bilang Direktor at Consultant Director si Robert Vicencio.
Si Robert Vicencio
Si Robert Vicencio (kaliwa), kasama si Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino
Kilala si Robert Vicencio sa kanyang pagganap bilang Thuy sa Miss Saigon. Nagtanghal siya sa iba't ibang panig ng mundo kabilang ang Sydney, Hong Kong, Singapore, Scotland, Ireland, London at iba pang bahagi ng UK. Sa kabuuan higit 3000 ang naging performances niya sa hit musical na Miss Saigon.
Poster ng isang Phantacity episode
Robert Vicencio at si Sarah Brightman sa kanilang film set
Sina Robert at Sarah habang ini-interview ni He Jiong, kilalang TV Host sa Tsina
Robert Vicencio, director consultant at An Desheng, TV director mula sa Hunan TV
Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina, ikinuwento ni Robert ang ilang mga bagay na dapat pahalagahan upang makamit ang tagumpay. Isa na rito ang pagbangon mula sa kabiguan. 14 na taon na siyang naninirahan sa Shanghai, masasabing malalim ang kanyang kaalaman hinggil sa galaw ng theater at entertainment industry ng Tsina. Ang lumalaking impluwensiya ng Tsina sa ibayong dagat sa larangang ito ay kaniya ring pinulsuhan. Pakinggan ang buong interview ni Mac Ramos sa pamamagitan ng audio link sa itaas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |