"Mas lumalaki ang audience at mas makikilala ang ating kwento. Mas nakikilala ang ating kultura, di lang ang ating talento. Importante yun para sa akin. It's a great opportunity," ito ang naging pahayag ni Brillante Mendoza nang tanunging hinggil sa pagkakataong alok ng 2019 Shanghai International Film Festival para sa mga filmmakers na Pilipino.
Sa one-on-one interview ni Mac Ramos sa Cannes Film Festival Best Director, ibinahagi ni Mendoza ang pag-asang masu-sustain o tuloy-tuloy na mapapanood ang pelikula ng iba't ibang filmmakers na nanggagaling sa Pilipinas at di lang galing sa isang specific na genre, kundi iba't-ibang genre para ma-showcase di lang ang talento ng mga filmmakers kundi ang iba't ibang kwento na nanggagaling sa Pilipinas.
Dumalo sa kauna-unahang pagkakataon ang multi-awarded Filipino director sa Ika-22 Shanghai International Film Festival.
Pinakamalaking hangarin ng direktor, na nasa likod ng mga award winning films na gaya ng Kinatay at Ma Rosa, ang pagkakaroon ng sariling tatak o identidad ng pelikulang Pilipino. Pakinggan ang kanyang mga pananaw hinggil sa pagpapayabong ng sining ng pelikulang Pilipino sa programang Mga Pinoy sa Tsina.